Chapter Sixty Three: THE GANGSTER'S PRAYER
LYRA POV
"Do you think, buhay pa si Isly?"
"Lyra"
Napasubsob ako sa tuhod ko habang yakap-yakap ito. Shit! Ano bang sinasabi ko? Naandoon ako ng patayin sya ni Jireh sa harapan ko, pinakiramdaman ko pa ang pulso nya.
"Don't mind me... pinapakalma ko lang ang utak ko sa pagiisip ng ibang bagay..."
Saka ako tumayo at naglakad papalayo kay Caleb, bahagya pang tumama ang balikat ko sa kanya ng madaanan ko sya at lampasan.
Dumeretsyo ako sa kwarto ko at isinara ang pinto saka sumubsob sa kama. Gusto kong iset ang utak ko sa reyalidad sa paligid ko pero hindi ko maiwasang mag-isip ng paano.
Pinatay ni Jireh si Isly, yung ang reyalidad na alam ko pero paano kung planado pala ang lahat ng ito. Paano kung buhay pa talaga sya? Paano kung...
Napakahaba ng listahan ng paano sa utak ko...
Umikot ako at kinuha ang cellphone ko saka binuksan ang contacts. Sooner or later, alam ko na kikilos na din si Ophiuchus at sa mga sandali na yon, ano ang dapat naming gawin?
Napatigil ako sa pagslide sa mga contacts ng mapatigil ako sa isang pamilyar na pangalan. Ang tagal ko na din syang di nakakausap at nakikita. After this war, hindi ko alam kung magagawa ko pa ang bagay na yun.
Pinindot ko ang call at sumubsob sa unan saka nagtalukbong. Baka mamaya, may makarinig sa akin o makakita. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya...
"Lyra?"
Hindi ako nagsalita at pinakinggan ko lang sya sa pagsasalita. Kilalang kilala ko na ang boses nya at sigurado ako na sobra syang nag-aalala.
"Hello sweetie? Bakit ka napatawag?"
"Nothing. How's Maldives?"
Somehow, kahit malayo sila, I keep track kung nasaan sila with Akagi para naman updated ako kung ano na ang ginagawa nila sa buhay nila. Baka mamaya, nagsuicide na pala sila, wala pa akong kaalam alam.
"It's good here, gusto nga kitang isama pero I know you're busy."
Busy... yeah, I'm busy sa pagpapalaganap ng katahimikan sa mundo at kapayapaan kaya dapat nyo ako ipagmalaki.
"Lyra, what's wrong?"
Napakagat ako sa labi ko saka sumubsob pa lalo sa unan, she knew it. Kahit hindi ako magsalita, kahit wala akong sabihin, she knew like she was really my biological mother.
"Nuh, I just miss your voice..."
"You grow up into a beautiful and great woman, honey, I know that." Ikaw lang ang nagsabi nyan.
Mga nanay talaga, lahat ng pambobola sa anak gagawin.
"Alam mo ba na ang saya ko kasi ngayon mo lang ako tinawagan after how many years..."
Hindi ko idedeny ang bagay na yun pero parang iba naman yata yung pagkakasabi nya ng many years.
"Nung sinabi mo na gusto mo ng mag-isa hindi mo alam kung ilang linggo akong umiyak"
"C'mmon mom, wag ka ngang magdrama dyan"
Nang tumira kami dito, 1 year lang pala yun at nagdecide na silang bumalik ng Italy. Since sinabi niya na pag-isipan ko ang pagtira dito, dito na talaga kami titira.
Kasalanan naman nila yun eh, yun ang sinabi nila sa akin kaya yun ang pinanghawakan ko kaya naman ng pabalik na kami sa Italy, bumaba ako ng eroplano at nagpaalam sa kanila. Sinabi ko na gusto ko ng mapag-isa, tatawagan ko na lang sila kapag may kailangan ako.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: The Return of the Queen
AçãoThe Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whatever it takes para bawiin ang lahat ng nawala sa kanya. But things wouldnt be easy as before as the Apostles started to reveal theirselves incl...