Chapter Forty Seven: WAVERING HEART
LYRA POV
Ang sakit ng katawan ko pero kahit ganun, parang nakapagpahinga naman ako ng tama. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at sumalubong sa akin ang putting pintura ng kwarto.
Napapikit ulit ako.
Siguro nga tama si Caleb na sa hospital na ako tumira. Ilang beses na ba akong nalagay sa ganitong sitwasyon? Noon kasi, wala namang masyadong gulo kaya hindi ko kailangang mahospital pero ngayon…
Bumangon ako at bahagyang nag-inat. Nagulat ako ng magsalubong ang tingin namin ni Akagi sa isat-isa. Anong ginagawa nya dito?
“Buhay ka pa?”
Langya toh, talagang sa dami-dami ng sasabihin yun pa talaga? Bumangon ako at umupo sa may kama. Napansin ko ang ilang benda na nakabalot sa katawan ko, hinugot ko ang dextrose na nakadugsong sa pulso ko at bahagyang inikot-inot ang wrist ko.
Sa tingin ko naman nakapagpahinga na talaga ako.
“Si best?”
“Ha?”
Ilang araw nab a ako dito at parang wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Ang huli ko lang naaalala ay si Scorpio---
Shit!
Napahawak ako sa labi ko. Manyak na yun, pag nagkita kami, tatapyasin ko ang labi nya. Kailangan kong magtoothbrush ng isang libong beses at magmouth wash.
“Nasa kabilang kwarto sila…”
Sila? Ano bang nangyari? Bakit hindi na lang sabihin sa akin ng baklang ito, pinagiisip pa ako.
Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kabila. Tumayo din naman si Akagi para pigilan ako pero huli na. Tumambad sa akin si Christine na namamaga pa ang mata siguro dahil sa kakaiyak, si Pierre na nakasandal sa pader, si Eiji na nakayuko at si Klio…
“Lyra!” nagulat ako ng agad na tumakbo sa akin si best at yumakap sa akin ng mahigpit.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Haruna, Noah at Krey na walang malay at nakahiga sa kama nila. Teka, nasaan si Ate Jealyne?
“Hoy Giovanni”
Pero hindi tumingin sa akin si Klio samantalang si Christine naman ay mas humigpit ang pagkakayakap sa akin.
Napayuko ako, parang alam ko na kung anong nangyayari. Bumitaw sa akin si Christine at naupo ulit sa tabi ng kapatid nya, habang si Pierre naman ay nangigigil na ang kamao ta parang gustong manuntok.
“Fuck! Kung hindi lang sana ako umalis!”
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: The Return of the Queen
ActionThe Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whatever it takes para bawiin ang lahat ng nawala sa kanya. But things wouldnt be easy as before as the Apostles started to reveal theirselves incl...