Chapter Two: THE PROPOSAL
CHRISTINE POV
Agad kong tinanggal ang helmet ko ng makapasok ako sa basement ng modern type mansion pati ang earphone sa tenga ko, ilang identity recognition din ang dinaanan ko bago tuluyang nakapasok. Mahirap na, sa sitwasyon namin ngayon, kailangan namin magdoble ingat.
Pumasok ako sa elevator at pumunta sa third floor kung saan naghihintay sya sa akin. Medyo napainat pa ako ng kaunti, mukhang kailangan ko nang magexercise.
Naabutan ko si Akagi na nagwawala sa katatawa habang nakaupo sa couch at pinapanood ang balita tungkol sa nangyaring gulo kanina.
“It’s like watching Power Rangers again in Gangster Version hahahaha,” at tumawa ulit ito habang pinapalo ang couch.
“Shut up!”
He’s Akagi Rozenburg, Lyra’s personal assistant at nalaman ko na ito din ang humahawak ng mga accounts nya at properties nung oras na nagkaamnesia ito. Hindi rin nito inalam ang tungkol sa pagkawala ni Lyra noon dahil siguro nasanay na din sya na bigla-bigla na lang itong nawawala at susulpot na lang kung kailan nya gustuhin…
Well, that’s Lyra for sure…
“I didnt expect that one… sa dinami-dami ng pwede nyang patugtugin para maagaw ang atensyon ng lahat ay iyun pa talaga… para tuloy akong bata kanina” saka ako padabog na naupo.
Sino ba naman kasi ang Baliw na matutuwang marinig ang kanta ni Eric Martin na Mighty Morphine Power Rangers sa gitna ng gulo at tension?
Isang Baliw lang ang makakagawa nun at yun ay walang iba kung hindi si Lyra. Siguro mas mabuti na din yun kesa naman sa Dora ang pinatugtog nya o kaya Banana’s in Pajamas…
“Everything happened according to her plan…” saka ito seryosong tumayo at hinarap ulit ang laptop nito.
One more thing, he is a computer addict, minsan matutulog na lang sya o pupunta sa banyo, may dala-dala pa syang PDA o kaya ay laptop.
Yeah, according to her plan at isa na ito ngayon…
She expected that scene kaya naman agad nya akong pinapunta doon to stop the chaos of course, bilang substitute Bloody Maria. Since kayang-kaya kong gayahin ang mga galaw nya, walang makakapansin kung ako ba ang totoo o peke. Wala din naman ibang nakakakilala sa totoong sya.
As long as I have this Virgo tattoo at my back, madali na ang magpanggap. Good thing at kinagat ng lahat ang palabas na iyon, inakala talaga nila na si Virgo o Bloody Maria ang pumigil ng gulo.
Paano nga kaya kung malaman nila na hindi naman talaga si Lyra yun kundi ako?
ayoko ng isipin...
But I didn’t expect na ganoon karaming gangsters ang maglalaban-laban at aaminin ko, nahirapan ako, lalo na dun sa naisip nyang pakulo na kahit ako ay natatawa na ngayon pag naiisip ko ito.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: The Return of the Queen
ActionThe Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whatever it takes para bawiin ang lahat ng nawala sa kanya. But things wouldnt be easy as before as the Apostles started to reveal theirselves incl...