Chapter 20: HUNTING

147K 2.6K 649
                                    

Chapter Twenty: HUNTING

AZALEIA POV

Ano bang problema ng batang iyon? Sinayang nya lang ang oras ko… Bakit ba kasi ako nagpadala sa kanya, narinig ko lang ang pangalan ni Caleb…

Caleb Jesuahel Aragon...

I never thought na posibleng mangyari iyon, when I was young until I entered the Wimbledon, all I know is si Jireh ang gusto ko...

I set my mind to that, but Caleb

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya kung bakit nagbago ang nararamdaman ko. He’s annoying at napakamartyr...

But then, siguro nga iyun ang bagay na nagustuhan ko sa kanya... I’m longing for that affection na binibigay nya kay Lyra na sana, ako din… maramdaman ko ang bagay na iyon…

“Jerk!”

Speaking of him… teka anong ginagawa nya dito? Tiningnan ko si Caleb habang hawak-hawak ang helmet nya at bumababa sa motor.

Hindi ko alam na may motor pala sya… Well, kung tutuusin, wala naman talaga akong alam sa kanya…

“It seems that you are ok”

Wait, nag-aalala ba sya sa akin? Concern sya sa akin kaya nya ako pinuntahan dito? I’m sure it was Tiffa who told him, lagot talaga sya sa akin… but then, I’m glad na naandito sya ngayon sa harapan ko.

Inayos nya yung Helmet nya at isinuot ulit saka sumakay sa motor, aalis na ba sya? Iiwan nya ako dito?

“Iyun lang ba ang pinunta mo dito? Just to know if I’m ok? Then fine, I’m okay…”

Ahhh!!! Nakakaasar, hindi ba nya napansin yung pagkainis ko sa sinabi ko? Jerk ka talaga Caleb Aragon! Kung aalis ka lang din at iiwanan ako dito, sana hindi ka na lang nagpunta.

Binuhay na nya yung engine ng motor nya, mukhang balak talaga akong iwan nito.

“Caleb!”

“That brother of mine…”

Napatigil ako sa sinabi nya, Oo nga pala… yung batang yun, kung jerk tong si Caleb, weird naman ang Enzo na yon. Wag na wag talaga syang magpapakita sa akin kung hindi patay sya.

“Si Enzo? Nagpahatid sya sa Wimbledon but then, umikot ikot lang kami sa buong lugar tapos pinatay pa nya ang cp ko… Ang weird ng kapatid mo”

Saglit na napaisip si Caleb sa sinabi ko at saka ngumiti… that smile na matagal ko na ding hindi nakikita, that smile na hanggang ngayon, iniisip ko parin ang ibig sabihin nun.

“Wait…”

Bigla nya kasing pinaandar yung motor nya kaya naman napahawak ako sa braso nya. Hindi ba sya magiging Gentleman at sasamahan ako o ihahatid man lang tutal naandito na din naman sya?

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon