Katabi ko ngayon si Alexandra habang naglelesson kami sa Filipino.Lahat ng kaklase ko tahimik dahil takot sila kay Ms.Cornejo, Filipino teacher.
"Ngayong araw na ito ay nais kong itanong sainyo kung sino ang gustong sumali sa mga aktibidad para sa darating na buwan ng wika?"
Nagtaas ng kamay si Alexandra kaya tiningnan siya ni Ma'am.Tumayo si Alexandra at nagtanong "Ano-ano po ang mga aktibidad?"
"Ang mga aktibidad ay pagtula,pagkanta,pagsayaw at pag-arte.Kayo na ang bahala basta ang tema ng gagawin niyo ay pang Pilipino." tiningnan niya kami at muling nagsalita "May tanong pa ba kayo?"
Tumayo si yesha at nagtanong "Ilan po ang minimum bawat grupo?"
"Sa pagsayaw ay walo,sa pagkanta ay apat,sa pag tula ay isa at sa pag arte ay labing isa." umupo si ma'am sa teacher's table "Sa lahat ng gustong sumali magsulat kayo sa 1/8 na papel at ipasa sakin.Kung grupo kayo ay isulat sa 1/4 ang mga pangalan niyo.Naiintindihan niyo?"
"Opo" sagot namin.Lumabas muna si ma'am kaya nag ingay na yung mga kaklase ko.
Kinalabit ako ni alexandra kaya napatingin ako sakanya.
"Sasali ka?" nakangiting tanong niya at pag iling lang yung sagot ko "Bakit?"
"Wala akong hilig sa ganyan."
"Bakit?" pangungulit niya.
Bumuntong hininga ako "Kasi nahihiya ako."
"Bakit?"
Umiling ako ng umiling "Ayokong humarap sa maraming tao."
"Ayyy.Sayang naman..." malungkot niyang sabi "Gusto pa naman kitang maka grupo."
Natigilan ako at tumahimik naman siya.Dumating na si ma'am kaya natahimik na naman ang mga kaklase ko.Nang matapos na silang mag pasa ng papel ay umalis na din kaagad si ma'am dahil recess na.
Lahat ng kaklase ko ay umalis kasama na din don si Alexandra at naiwan na naman ako mag isa.
Nilabas ko yung pagkain ko at mabilis kong kinain yon.Malapit na akong matapos ng pumasok si alexandra sa room at tumabi sakin.
Hindi niya ako pinapansin kaya ng matapos akong kumain ay hinarap ko siya.
"Okay ka lang ba? kanina ka pa tahimik ah."
mahina ang boses niya nung sumagot "Yeah..."
"Sorry.Hindi talaga ako sanay na sumasali sa mga ganyan eh"
Ngumiti ito "It's okay.I understand"
"Mmm." dahil natahimik na naman kaming dalawa ay kinuha ko yung cellphone ko sa bag at yung earphone ko.
Hindi pa ko masyadong nagtatagal na nakikinig ng kalabitin ako ng katabi ko kaya inalis ko yung earphone ko sa tenga at hinintay siyang magsalita.
"Sabay tayong uuwi mamaya ah."
YOU ARE READING
Nyctophobia (Fear of Darkness)
Teen FictionSi Naomi Esther ay isang napaka bait na bata.Kahit anong gawin mo sakanyang masama ay hindi ka niya papatulan dahil natatakot siya. Isang araw ay may nangyareng hindi maganda sakanya sa school kaya sinugod siya sa Ospital ng mga kaibigan niya.