"What are you doing here dad?" tanong ni kuya at lumapit sa daddy niya. "You need anything from me?"
Umiling si tito "I'm just checking if you're okay. I know it will be hard for you. But, please son...don't avoid them. Respect them as your grand parents."
"How dad?" inis na tanong niya pero hindi siya sinagot ni tito mukhang napansin nito ang pagiging bad mood ng anak.
Natahimik silang dalawa at maya maya pa ay niyaya na ko ni tito lumabas ng kwarto.
Bumaba kami at nakita namin sila daddy na pupunta sa dining. Lumapit ako kay daddy at inakbayan niya ko hanggang sa makapasok kami ng dining.
Pinaghila muna ako ni daddy ng upuan katabi ni mommy bago umupo sa pwesto niya na nasa gilid ni lolo. Si lolo at tito ang mga nasa dulo at magkaharap.
Nang maayos na yung pagkain ay si mommy na ang nag lagay ng pagkain sa plato ko.
"Abraham, where's samson?" tanong ni lola.
Hindi nag angat ng tingin si tito sakanya pero sinagot pa rin siya nito
"In his room"
Tumango si lola at ako naman ang tiningnan.
"How about you, my little baby? how are you and where have you been?"
Nilunok ko muna yung kinakain ko "I'm okay po. Galing po ako sa bahay ng classmate ko with my kuyas."
"Mmm. And you Alex how are you? do you have a girlfriend?"
Ngumisi si kurimaw "I'm okay po. Maraming nagkakagusto sakin pero di ko pinapansin."
"Oh, really? So, popular ka pala sa school niyo?" pangungulit ni lola.
Tumango ng tumango si kuya na akala mo proud na proud sa sarili niya.
Sumabat na ko sa usapan nila "Of course he's popular lola, remember nephew siya ng dean" Tiningnan ako ng masama ni kurimaw kaya inirapan ko siya.
Nagtawanan ang mga matatanda sa sinabi ko at maya maya pa ay natahimik sila at kumain na lang.
Nang matapos kaming kumain ay napagdesisyonan nilang manood ng movie.
Pumunta kami sa aming movie theater na nasa loob lang din naman ng bahay namin.
Inutusan ni lola yung isang kasambahay namin na paghandaan kami ng snacks at pinapadala niya yon sa movie theater.
Umupo kami sa mga upuan na nandon at tahimik na nanood.Hindi pa kami nagtatagal na nanonood ng may kumatok at bumukas yon.
Pumasok yung mga katulong na may dala dalang pagkain kaya kahit kakakain lang namin ay kumain ulit ako.
Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang mainis dahil sa pinapanood namin.
Story kasi siya ng mag asawa na masayang masaya.Pero ayaw ng mga magulang ng lalaki sa babae kasi mahirap lang ito.
Napalingon ako kala daddy na tahimik lang nanonood.Nakasandal si mommy sa balikat ni daddy.
Nang mapansin ni daddy na nakatingin ako sakanila ay ngumiti ito.
"Mom....Dad" pabulong kong tawag sakanila.Dahil katabi ko lang naman si mommy ay narinig kaagad nila yon.
Sabay silang tumingin sakin "Yes baby?" sagot ni mom at umalis sa pagkakasandal kay daddy.
"When I grow up, I want to marry the man I love... Please don't force me to marry someone." tiningnan ako ni mom at dad na nagtataka "Promise me...mom, dad."
YOU ARE READING
Nyctophobia (Fear of Darkness)
Teen FictionSi Naomi Esther ay isang napaka bait na bata.Kahit anong gawin mo sakanyang masama ay hindi ka niya papatulan dahil natatakot siya. Isang araw ay may nangyareng hindi maganda sakanya sa school kaya sinugod siya sa Ospital ng mga kaibigan niya.