Saturday na ngayon at papunta kami ngayon kala star para sunduin ito. Kasama ko sila kuya dahil walang maghahatid sakin at hindi nila ako pinayagan mag taxi dahil bata pa daw ako.
Excited na ko dahil first time makakapunta ni star sa bahay namin.Habang nasa daan kami ay iniisip ko yung pwede naming gawin mamaya.
Lahat ng nasa isip ko at tinype ko sa cellphone ko para hindi ko makalimutan.
When finally nakarating na kami sa house nila ay bumaba na kaagad ako at nag doorbell.Sumunod naman kaagad sakin sila kuya
Si tita yung nag bukas ng gate para samin. "Good morning tita." Nag mano ako pagka sabi ko non at ganon din sila kuya "Nasan po si star, Mama star?"
"Nasa loob nakain. Kakagising lang eh. Bat ang aga niyo?" Sagot ni tita at natawa pa dahil sa itinawag ko sakanya.
Inakbayan ako ni kurimaw at siya yung sumagot "Excited po kasi siya.Ang aga niya nga pong gumising eh"
Tumawa si tita kaya nag pout ako "Mama star 8 am na po kaya"
Tinawanan lang nila ako at nag aya na si tita na pumasok na sa loob.
"Nasa dining siya.Tara.Kumain na ba kayo?"
Sasagot na sana ako ng opo ng naunahan ako ni kurimaw. "Opo, pero gutom pa rin po si alexa sabi niya manginginain na lang daw po siya dito at si samson na po ay hindi pa nakain.
"Ay, ganon ba...sige kumain muna kayo bago umalis. Nakain ba kayo ng itlog na may kamatis tsaka fried rice?
"Opo." Simpleng sagot ko at nilapitan yung kurimaw para kurutin. "Baliw ka talaga kuya.Bat sinabi mo yon? Sinungaling ka."
Tumawa ito "Edi sana tinaggi mo." Natatawang sabi niya "hindi mo tinanggi kasi gusto mo din.Pagkain yon eh.Syempre kapatid kita kaya alam ko yon."
Inirapan ko na lang siya at lumapit na kay star na nakain.
"Heyyy..." Umupo na ko sa tabi niya at nag lagay na ng fried rice .Saktong tapos na kong maglagay ng kanin sa plato ko ng pumasok yung dalawa at pareho pang natawa ng makita yung plato ko.
"Good morning Mr.Cholez. Good morning kuya." Pambabati ni star kayla kuya.Nginitian lang siya ni kuya sam.
Actually may napapansin ako kay kuya sam.Simula nung nakilala niya si star hindi na siya laging grumpy.Lagi na siyang nakangiti lalo na kapag si star yung kausap niya.
Ayokong sabihin sakaniya yung napapansin ko dahil baka mainis siya kaya inignore ko na lang.
Umupo na sila sa harap namin ni star at si tita naman ay may nilapag sa lamesa at umupo na rin
"let's eat..." Sabi niya at hindi na niya kami kailangan pang pag sabihan muli dahil kumain kaagad kami.
Nang matapos kami ay sinabihan na kami ni tita na umalis dahil may gagawin pa siya.
YOU ARE READING
Nyctophobia (Fear of Darkness)
Teen FictionSi Naomi Esther ay isang napaka bait na bata.Kahit anong gawin mo sakanyang masama ay hindi ka niya papatulan dahil natatakot siya. Isang araw ay may nangyareng hindi maganda sakanya sa school kaya sinugod siya sa Ospital ng mga kaibigan niya.