"Anak,bangon na at baka malate ka pa"narinig kong sabi ni mama sa labas ng pinto "Naomi,gising ka na ba?"
"Opo"sigaw ko para marinig niya.Hinanda ko muna yung susuotin ko para sa panloob ng uniform ko bago ako bumaba at sumunod na kay Mama.
Nagsipilyo lang muna ako bago ako umupo sa hapag kainan para kumain ng almusal.
Lumapit sakin si Mama at pinag sandukan ako ng pagkain at ng matapos niya itong gawin ay nagsabi siya sakin na magpaplantsa lang daw siya kaya tinanguan ko lang siya at nagpatuloy ng kumain.
Nang matapos ako ay nilagay ko na muna sa lababo yung pinagkainan ko bago ako pumasok sa banyo.
Hindi ako kagaya ng ibang babae na matagal maligo kaya pagkatapos ko ay tumakbo na ako kaagad paakyat para magbihis.
Nilagay ko muna sa bag ko yung mga notebook kong ginamit kagabi at ng matapos yon ay bumaba na kong muli at nakita ko yung uniform at palda ko na nakasampay na kaya sinuot ko na yon at lumabas na.
Hinanap ko si Mama para humingi ng baon at ng makita ko siya ay inabot niya na kaagad sakin yung baon ko.
Sumakay na ko ng sidecar papunta sa sakayan ng jeep.Nang makarating kami ay bumaba na ako kaagad at nagbayad kay manong.
Pumara ako ng jeep papunta sa School.Habang nabyahe ako ay iniisip ko kung ano naman kaya ang gagawin nila sakin?
Nang makarating ako sa tapat ng school ay tahimik akong nag dadasal na sana wala silang gawin sakin.
Pagpasok ko sa loob ay wala namang nangyare sakin kaya nagpatuloy na ko sa paglalakad.
Akala ko tinigilan na talaga nila ako pero pagkabukas ko ng pinto ng room ay may bigla na lang may natapon sakin na tubig mula sa taas ng pinto.
Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko kaya tumakbo ako papunta sa Cr at don umiyak.
Mga ilang minuto pa kong umiyak at nung mahirapan akong huminga ay kinuha ko yung inhaler ko na nasa bag.Nang okay na yung pakiramdam ko ay nag palit na ko ng damit ko.
Naghilamos ako at lumabas na ngunit pagkalabas ko ay hindi ko napansin na may tali palang nakaharang don kaya napatid ako.
May lumapit sakin na tatlong babae na ka same year ko lang.
I thought they will help me to stand up,but,I'm wrong...because,one of them stepped on my hand against the floor and the other two hit me on the head with an egg.
I wanted to shout,but I coudn't because one of them covered my mouth.
I cried silently at ng makuntento sila ay iniwan na nila ako.Narinig ko pa silang nagtatawanan habang naglalakad paalis.
Umupo ako sa gilid at don ako umiyak.Nang makarecover ako ay tumayo na ko at naglakad na ko pabalik sa room.
Pagkapasok ko ay wala pang teacher kaya umupo na ko sa upuan ko.
"What happend to you?"tanong ni Alexandra Nathalie sakin.Mabait siya at friendly,siya lang ang nag iisa kong kaklase na hindi nambubully sakin.
Tiningnan ko siya sa mata at di ko na kayanan at umiyak na ko sa harapan niya.Hinagod niya ang likod ko at pinasandal niya ko sa balikat niya.
"Binully ka ba nila ulit?" tumango ako sakanya "Gusto mo bang isumbong natin sila kay dean?"
Umiling ako sakanya.
Alam kong naaawa siya sakin kaya nginitian ko siya.
"Bakit ang bait mo sakin?" nagtataka siyang napatingin sakin "Alam mo bang kakalapit mo sakin ay pwede ka din mabully?"
YOU ARE READING
Nyctophobia (Fear of Darkness)
Teen FictionSi Naomi Esther ay isang napaka bait na bata.Kahit anong gawin mo sakanyang masama ay hindi ka niya papatulan dahil natatakot siya. Isang araw ay may nangyareng hindi maganda sakanya sa school kaya sinugod siya sa Ospital ng mga kaibigan niya.