Niligpit ko muna yung pinagkainan namin ni alexandra sa may center table at dinala ko yon sa kusina.
Nakita ko si mama na nag c-cellphone sa lamesa kaya nilapitan ko siya.
"Ma?" pampupukaw ko sa atensiyon niya
Tumingin siya sakin na nakangiti "Bakit nak,may kailangan ka ba?"
"Uhm,wala po.Magpapa alam lang po ako na aakyat muna ako sa taas para mag pahinga."
Ginulo niya ang buhok ko "Sige,nilagay ko na rin yung cellphone mo sa kwarto mo.Magpahinga ka na.Gigisingin na lang kita kapag kakain na."
Nginitian ko lang siya at umakyat na ko sa taas.
Sa totoo lang may gusto talaga akong itanong sakanya tungkol kay papa pero ng makita ko ang ngiti sa labi niya ay bigla na lang akong natahimik dahil once na magbukas ako ng topic tungkol kay papa ay alam ko ng malulungkot na naman si mama.
Kinuha ko muna yung cellphone ko na nasa side table at nahiga na.
Nag online ako sa facebook at nag scroll na lang dahil wala naman akong ka chat at ng ma bored ako ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
*****
Alexa's POVNasa backseat ako naka pwesto dahil na sa passenger seat naka pwesto ang pinsan ko samantalang nagdadrive naman ang kapatid ko.
"So,how's your day?" biglang tanong sakin ni Kuya Samson pinsan ko siya sa side ng mommy ko. "Nag enjoy ka ba?"
I smiled sweetly "Of course,who wouldn't be?ang saya kaya sakanila" kahit hindi masyadong nagsasalita si star nag enjoy akong kasama siya.Simple lang ang pamumuhay nila pero parang ang saya nila kahit dalawa lang sila ng mama niya.
"Ano yang dala mo?"tanong naman ng kurimaw kong kapatid habang nakatingin sa styro na hawak ko "Pagkain ba yan?I'm hungry, little brat."
"Biko and Kutchinta" simpleng sagot ko sakanya "Bigay sakin ng mama ni star."
Napatingin sa hawak ko si kuya Samson kaya inalok ko siya.
"You want?" umiling lang siya pero nagpumilit ako. "Taste it kuya,please?" inabot ko sakanya yung isang styro na naglalaman ng biko.
Wala na siyang nagawa kundi ang tikman yon.Buti na lang may disposable spoon na sa loob ng styro.
"I want to taste it too" singit na naman ng kuya kong kurimaw.
"Later,malapit na rin naman tayo sa bahay eh"
Binilisan na ng kurimaw ang pagmamaneho kaya nakarating kami kaagad sa Village na tinitirahan namin
Nasa gate pa lang kami ng makita ko si mommy na kumakaway kaya nung ihinto ng kurimaw ang kotse ay bumaba na ako kaagad at niyakap siya.
"How's your day alexa,did you have fun?"
Tumango ako sakanya at pinakita yung hawak ko
"What's that?" nagtatakang tanong ni mommy kaya hinila ko siya papasok ng bahay hanggang sa makarating kami sa kitchen.
Nilabas ko yung mga styro at nagtaka pa ko nung una kung bakit kulang at don ko lang na alala na pinatikim ko nga pala kay kuya Samson yung biko.
"Kuya,where's my biko?" tanong ko sakanya ng pumasok siya sa kitchen na walang dala.
Napatingin siya sakin ng may pagtataka "I thought you gave that to me." napakamot siya sa batok niya
"Kuya naman eh," nag pout pa ko sa harap niya at inirapan ko siya.Binalingan ko ulit si mommy na nakangiti sakin "Mommy,this is biko and kutchinta.Try this."
YOU ARE READING
Nyctophobia (Fear of Darkness)
JugendliteraturSi Naomi Esther ay isang napaka bait na bata.Kahit anong gawin mo sakanyang masama ay hindi ka niya papatulan dahil natatakot siya. Isang araw ay may nangyareng hindi maganda sakanya sa school kaya sinugod siya sa Ospital ng mga kaibigan niya.