Chapter 13

1 1 0
                                    

"Ang bait talaga ni tita noh?" Sabi ni kurimaw at di naman namin siya sinagot. "Ano nga ulit yung sakit ni Naomi?"

Nagkibit balikat ako dahil nakalimutan ko na.

"Kawasaki Disease" sagot ni kuya sam.

Shit.Naalala ko na naman yung picture dati ni Naomi na nasa loob ng incubator.

"Nakita niyo ba yung picture?" Tanong ko na ipinagtaka nila "yung picture ni naomi na nasa loob ng incubator. Grabe naaawa ako sakanya. Andaming nakakabit sakanya."

"Di ako familiar sa sakit na yon" sabi ni kuya sam "tanong natin kay tita mamaya."

"Sige. Siguro nahirapan si tita nung panahon na yon" sabi ni Kurimaw "Imagine, wala siyang asawa para sandalan at para pagaanin yung loob niya"

"True.Kaya siguro ganon niya ingatan si Naomi." Sagot ko

Di na kami ulit nag usap hanggang sa makarating kami sa bahay. Nasa dining na sila kaya pupunta na sana ako ng makita ko si Kuya sam na aakyat na.

"Kuya, sumabay ka na samin" umiling lang siya "please? Namiss na kitang kasabay kumain. Tsaka di ba may itatanong pa tayo kay mommy?"

Bahagya siyang natigilan at lumapit sakin.

"Fine." Simpleng sagot niya at naglakad na kami papunta sa dining. Nakita ko si kurimaw na nakaupo na kaya tumabi si Kuya sam sakanya.

Tiningan ko sila Mom na nakangiti kay kuya sam.

"Buti naman at sumabay ka samin" sabi ni tito sakanya.

"May itatanong po kasi kami kay tita" sagot ni kuya sam at sumubo na nang pagkain.

"Anong itatanong niyo sakin?"

Nilunok muna ni kuya yung kinakain niya bago sagutin si Mommy.

"Ano po yung Kawasaki Disease?"

Natigilan si mommy sa tanong ni kuya.

"Bat mo natanong yan, Son?" Takang tanong ni tito.

"Walalang po." Tumingin siya kay mom. "Tita?"

"Mmm. Kawasaki Disease or Mucocutaneous lymph syndrome. Isa itong sakit na nag cause ng inflammation sa arteries, veins at capillaries. Ito yung common cause ng heart disease ng mga bata." Sagot ni mommy "why?"

"So, may heart disease siya?" Patanong na sabi ni Kurimaw.

"Nakakasurvive naman po ba yung may mga Kawasaki Disease?" Tanong ulit ni Kuya sam

"Oo naman pero minsan may kumplikasyon." Sagot ulit ni mom "The complications associated with KD are mainly related to the heart.They occur as a result of the inflammatory effect that the condition has on the blood vessels."

Natahimik kami dahil hindi na ulit nagtanong si Kuya sam.

"Nakakita na ko ng baby na may Kawasaki Disease pero once lang at isa lang masasabi ko. Nakakaawa ang itsura nila." Sabi ulit ni Mom "bakit niyo ba tinanong yan?"

Di na umimik yung dalawa kaya ako yung tiningnan ni mom.

"Si Star po kasi ay nagkaroon ng Kawasaki Disease."

Nyctophobia (Fear of Darkness)Where stories live. Discover now