𝐈𝐊𝐀-𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀

148 17 3
                                    

V.

Kinabukasan ay inasikaso agad ang mga papeles na kakailangan para maging legal na nila akong anak. Habang nasa hospital pa lang ako'y inaasikaso na nila ang mga kakailanganin upang maging anak na nila ako.

Ilang linggo ang itinagal bago ako tuluyang gumaling. Kinailangan ding makabawi ako sa timbang ko, dahilan na mas binantayan ang mga kinakain ko. Nang mas umayos na ang lagay ko. Dinala nila ako sa kanilang bahay na siyang pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko.

Isang guro si Mrs. Bautista habang may negosyo namang hinahawakan ang mister nito.

Habang nasa hospital pa lang ay sobra na ang pag-aalagang binigay nila sa akin. At mas dumoble ito nang iuwi na nga nila ako sa bahay nila. Dinala nila ako sa bahay nila sa Manila.

Mrs. Therese Bautista at si Mr. Max Bautista- ang siyang magiging bagong magulang ko.

"Dito na po ako talaga titira, Ma'am Therese? Ang laki po ng bahay niyo. Parang isang palasyo!"

Natatawa naman si Mrs. Therese sa mga sinabi ko.

"Tasha, huwag mo na akong tawing Ma'am Therese. Anak na kita at dapat Mommy na ang itawag mo sa akin," nakangiting wika niya sa akin.

"M-Mommy?"

Napatango-tango si Ma'am Therese. "From now on, ako na ang Mommy mo. At siya na ang magiging Daddy mo. Ituturing kitang totoong anak ko at sana ganoon ka rin sa amin bilang bagong magulang mo."

Agad akong yumakap sa kan'ya. Sobrang saya ko. Hindi ko maisawika kung anong klaseng kaligayahan ang nararamdaman ko. Napapangiti naman na nakatingin sa amin si Daddy.

Mula noon ay naging maayos na ang buhay ko. Binihisan nila ako na tila ba hindi ako ang dating Tasha na gusgusing bata sa lansangan. Pinag-aral sa isang magandang paaralan.

Talagang nag-iba na ang buhay ko.

-

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Paunat-unat ng mga kamay na bumangon sa napakalambot kong higaan.

Few years have already passed and everything has changed. I'm not the old Tasha. Hindi na ako 'yong gusgusing bata na namamalimos sa tindahan. Now, I already have a complete family. Pumapasok sa isa sa mga sikat na paaralan dito sa Cebu.

"Sweetie, get up now. Malalate ka sa school. Nakaready na ang breakfast mo rito, bangon na at naghihintay si Daddy mo."

Napangiti na lang ako nang marinig ang boses ni Mommy sa nakarasadong pinto.

"Opo, Mom. Baba ako mayamaya po."

Pumunta muna ako sa banyo para makapaghilamos. Nakatitig ako sa mukha ko. Ilang taon na nga ba ang dumaan? 12 years? Ang bilis ng panahon, noon sobrang liit ko pa. Ngunit ngayon dalaga na ako, mas humubog na ang katawan.

Kasalukuyan akong nasa ikalawang taon sa kolehiyo taking up Bachelor of Secondary Education major in Filipino. Gusto kong maging guro tulad ni Mommy. Kita ko kasi kung gaano siya kasaya sa trabahong ginagawa niya. Gusto kong tumulong, kagaya ng pagtulong niya sa akin noong walang-wala na ako.

Nang makapag-ayos ng sarili ay agad na akong lumabas ng kwarto at tinungo ang dinning area. Nakaupo na roon sina Mommy at Daddy habang abala naman sa paglalagay ng mga pagkain sa lamesa ang mga maid.

"Good morning, Mommy, Daddy," siyang bati ko sa kanila.

Nginitian naman ako ni Mommy. Abala si Daddy sa pagbabasa sa hawak nitong dyaryo.

"Have a seat at nang makakain na tayo."

During our meal, me and mommy tackled about some sort of things regarding sa course ko. She always makes it sure na tama ang ginagawa ko. From note taking, paggawa ng report at lalo na pagdating sa lesson planning.

TashaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon