𝐈𝐊𝐀-𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀

127 15 0
                                    

VII.

Tila mabilis dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan pati na ang taon. Opisyal na akong nagtuturo ngayon sa isang pribadong paaralan. Unti-unti na naming natutupad ang mga pangarap namin ni Kendrick. A life na magkasama naming pinangarap.

Kasalukuyan kaming nasa Arcade Haven, nakasakay sa ferris wheel habang nakayakap ako sa kan'ya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko at maya't mayang hinahalikan ang ulo ko.

Walang nagsasalita ngunit sapat na iyon para ipadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

"Tasha, will you marry me? Gusto na kitang ilayo sa daddy mo. Please do marry me, hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa'yo, Love," saad ni Kendrick habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Kitang-kita kung gaano niya ako kamahal.

Napangiti naman ako nang mapait sa kan'ya. Masasabi kong si Kendrick na ang lalaking pinaka perpekto sa lahat. Hindi niya ako hinusgahan sa kabila ng aking pinagdaanan. Mahal na mahal ko siya at kitang-kita ko na mahal na mahal din niya ako.

Napag-isip-isip ko. Oras rin na ata siguro para lumagay sa tahimik. I need to make a family of my own. Gusto ko na rin lumayo kay Daddy. Malayong-malayo sa kan'ya.

Napangiti ako sa kan'ya sabay sabing, "Oo Kendrick, papakasalan kita."

Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin saka isinuot sa daliri ko ang singsing na siyang tanda ng pagbigay ko sa kan'ya ng aking matamis na "Oo". Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Sumisigaw pa siya dahilan para sitahin ko siya. Nahihiyang napapayuko na lang ako kasi pansin kong nakakaagaw na kami ng atensyon ng mga tao sa baba.

Sobrang saya ko. Napaka saya ko. Nakikita ko na ang sarili kong may inaalagang anak, anak namin ni Kendrick. Mamahalin at aalagaan ko sila tulad ng pag-aalaga ni Inay at Mommy sa akin. Po-protektahan ko sila gaya ng ginawa ni Ditse Philautia sa akin.

At alam ko, magiging mabuting Ama si Kendrick sa mga anak namin. Hindi katulad ng mga naging ama ko.

-

Noong gabing iyon ay ipinaalam namin kina mommy at daddy ang napagplanohan namin ni Kendrick. Kitang tutol na tutol si daddy sa sinabi ko. Pero wala siyang magagawa, nasa tamang edad naman na ako at may basbas na rin ni mommy ang papalapit na kasal namin.

"Bakit mo pinayagan si Tasha na magpakasal?"

Rinig kong saad ni daddy ng mapadaan ako sa kwarto nila ni mommy. Bakas sa boses niya ang galit at pagkairata dahil sa nangyari kanina. Katatapos lang ng announcement na ginawa namin ni Kendrick about sa nalalapit naming wedding. No more preparation, ang mahalaga lang naman ay maikasal kami. At hindi naman importante kung bongga ang kasal, as long as it's Kendrick that I'm marrying. It's more than enough.

"Ano ka ba naman, honey. Syempre, nasa tamang edad na ang anak natin hindi natin siya pwedeng pigilan sa gusto niya. Ang magagawa lang natin ay ang i-guide siya. Saka, alam ko naman na mabuting lalaki iyang si Kendrick at tiyak aalagaan niya ang anak nating si Tasha."

Hindi muna ako umaalis sa pwesto ko at pinakinggan ang pag-uusap nila. Marahan kong mas inilapit ang ulo ko sa nakapinid na pinto ng kanilang kwarto.

"I don't fuckin' care, Therese. Wala akong tiwala sa Kendrick na iyon. Baka saktan lang niya ang anak natin. Baka pakitang tao lang lahat ng pinapakita niya sa atin at baka saktan lang niya ang anak nating si Tasha!"

Agad na napakuyom ang kamao ko dahil sa naririnig ko mula kay Daddy. Talaga lang daddy ha? O baka ayaw mong maikasal ako kasi mawawalan ka na ng parausan?

"What's wrong with you? Kilala mo si Kendrick. They've been together for so long. At sa loob ng mga panahon na iyon ay napatunayan na niya ang sarili niya kay Tasha. Alam mo, itulog mo na lang iyan at baka makapag-isip-isip ka ng maayos. Walang mali sa desisyon ni Tasha."

TashaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon