RHYTHM OF LOVE

4 2 0
                                    

I have a wife. She had a traumatic experiences when she was a kid. But her situation didn't bother me. I pursue her! Everyday I will give her flowers and I'll sang a song just to make her smile. At lahat naman ng efforts ko ay nasuklian when she said her 'yes'. Mag-iisang taon na kami nang may mangyaring pilit na naming ibinabaon sa lupa but still it always hunted our relationship.

She was raped. And yes, I still proposed to her after a year. Pero nag-iba siya. 'Yung pakikitungo niya sa akin ay tila naging isang yelo-napakalamig. Masakit, pero kinakaya ko. Not because she is my wife, but because I really love her. Pilit ko siyang iniintindi. Ginagawa ko pa rin 'yung mga usual na ginagawa ko sa kanya when I was still courting her.

Isang araw naglakas-loob akong kausapin siya.

"Axcy, can we talk?" I asked. Tumango naman ito at saka humarap sa akin.

"Do you still love me?" biglang tanong ko rito.

Nakita ko ang gulat na dumaan sa mga mata nito. Tumingin siya ng marahan sa akin at yumuko. Hindi siya nagsalita at mas lalong tumindi ang sakit na nadarama ko. Tila nawalan na ako ng pag-asa. Pakiramdam ko wala na 'yong pagmamahal niya sa akin. Hindi ko na maramdaman.

"I love you, Axcy." Niyakap ko ito habang ang mga luhang pinipigilan ay tuluyan ng nag-alpasan. Damang-dama ko ang bawat hikbi nito. Sinuklian ako nito ng napakahigpit na yakap.

"Natatakot ako Zad. Natakot akong baka dahil sa nangyari mag-bago ka."

Marahan siyang bumitaw sa mga yakap ko. Napakasakit. Pakiramdam ko ay bumibitaw na rin siya sa mga binuo naming pangarap.

"Kahit kasi ako hindi ko matanggap ang sarili ko. Ang dumi-dumi ko na para sa 'yo!" turan nito na mahihimigan ang pangangatal ng boses.

"H'wag mong sabihin 'yan, Ax! Alam mo kung gaano kita kamahal," sagot ko.

"'Yun na nga e! Sobra mo akong mahal. Zad, lahat ng sobra nakakamatay. At ayaw kong darating 'yung panahon na mamatay ang Zad na minahal ko at mahal na mahal ako!" Tumingin ito sa mga mata

"Hindi ko maintindahan."

"Maiintindihan mo rin Zad. Sa ngayon, gusto ko na munang magpahinga. Magpahinga ka na muna bigyan mo ng panahon ang sarili mo and I will do the same. Paalam na muna sa ngayon."

It's been five years ng umalis si Ax. Tama siya! Nung umalis siya mas minahal ko ang sarili ko at sa tingin ko I'm more stronger that I've been before. Pero hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Ang lungkot lang na sa loob ng five years wala man lang akong balita sa kanya.

Pagod kong pinark ang sasakyan ko. Bago ako pumasok, tiningnan ko muna ang labas ng bahay namin. Mas lumungkot ang bahay ng mawala kami. Yes, nang umalis siya, kinabukasan umalis din ako and after five years ngayon lang ulit ako makakapasok sa bahay na kung saan binuo namin ang mga pangarap na magkasama kaming dalawa.

Pagpasok ko sa loob tila sariwa pa rin ang mga nangyari saamin. Papasok na sana ako sa may kusina ng maramdaman kong may gumagalaw sa may kusina. Nag tip toe ako para hindi malaman ng kung sino man ang pag dating ko. Handa sana ang mga kamao ko ng makita ko ang isang pigura ng babae na sumasayaw at pakanta-kanta pa habang hawak ang isang sandok.

🎶Play the music low and sway to the rhythm of love🎶

Kumurap-kurap pa ako ng ilang beses para siguraduhing hindi ako nag hahallucinate. Pero kahit ilang beses kung ikurap ang mga mata ko nandoon pa rin siya. I smiled. That song she's singing is my favorite song from Plain White t's 'Rhythm of love'.

And from that moment, alam kong nagtagumpay kaming dalawa. At kahit ano pa mang unos ang ibato saamin ng panahon our love will always conquer all.

-axi-

Axiders' Bleeding Pen (My One-Shot Stories Collection)Where stories live. Discover now