Sigawan at iyakan ang namayani sa buong paligid ng paaralang aking pinapasukan. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at napatda sa mga dugong aking nakikita. Tila bumabaha ng dugo ang paaralang nagsisiyahan lang kani-kanina habang ipinagdidiriwang ang 'Buwan ng Wika'. Naguguluhan man sa mga nangyayari nagawa ko pa ring magtanong sa isang estudyante na kasama ko sa silid na kung saan ako naroroon.
"Excuse me, pwede ba akong magtanong?" nakangiwi ang aking mga labi habang isinasambit ang katanungang yun.
Tumingin lamang ito sa akin at humagulhol pang lalo. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Kaya, akmang tatapikin ko na sana ang bandang balikat niya nang bigla akong nagulat sa ginawang pagbaling nito sa akin, na sinabayan pa ng kanyang mga nagbabagang mata at matiim na tumingin sa akin na tila tinutunaw ako ng mga apoy na meron siya. Nakakakilabot na ngiti ang ibinigay nito sa akin bago sinambit ang mga katagang, "Hindi mo na ba naaalala ang mga ginawa mo Kiesha?" makahulugang tanong nito sa akin.
Pilit kong inaalala ang mga bagay na maaaring nagawa ko, ngunit ni isa ay wala akong matandaan. Hinilot ko ng bahagya ang aking batok dahil sa tuwing pinipilit kong alalahanin kung ano ang aking mga maaaring ginawa ay sobrang sumasakit at tila binibiyak ang aking ulo.
Nakita naman ng babae na tila naguguluhan ako kaya bahagya itong ngumiti ng mapait at tumayo. Nagulantang naman ako nang makita kong dahan-dahan siyang lumulutang pataas sa ere.
"Hinayaan mo kasi siya! Hinayaan mong kontrolin ka niya!" Nakalutang na ito sa ere habang isinisigaw ang mga katagang yun.
"H-hindi kita m-maintindihan," naguguluhan kong sambit.
"Si Kara, hinayaan mo siya Kiesha!" sigaw ulit nito na sinamahan pa ng mas malakas na paghagulhol.
Nang marinig ko ang pangalang yun ay biglang dumaloy ang mga alaalang nakaligtaan ng aking sistema at unti-unti akong napaluhod habang nagiging mas malinaw ang mga nangyari. Napatingin ako sa suot kong blouse at palda at mas nanginig ang aking mga kalamnan. Pinatunayan lamang ng mga dugong ito na 'AKO' hindi 'SIYA' ang may kagagawan ng karumal-dumal na sinapit ng mga taong nakahandusay at nakakalat na ngayon ang iba't-ibang parte ng katawan. Hindi ko man lang napansin kaninang paggising ko na kasalukuyan na pala akong naliligo ng malalagkit at mapupulang dugo ng mga napatay ko. Pero, HINDI! Siya ang pumatay sa kanila. Ngunit, hindi din maipagkakailang AKO SIYA.
I am Kiesha, and I have split personality.
-axi-
YOU ARE READING
Axiders' Bleeding Pen (My One-Shot Stories Collection)
AléatoireA compilation of one-shot stories that will take you to different journey in just one seat. If you're one of the characters in a book, how would you end your story?