QUEEN OF THE FOREST

5 2 0
                                    

I immediately grab my backpack when I saw the van na papalapit sa pwesto namin kung saan kami nakatayo. Ito kasi ang gagamitin naming sasakyan for our trip. Sampu kaming magkakaibigan. Matagal na naming napagpaplanohan ang trip nato kaso parating nauudlot dahil sa hindi magkatugmang schedules namin.

"Ashy, saan nga ulit yung forest na pupuntahan natin?" Tanong nito habang nakatutok parin ang kanyang mga mata sa selpon na hawak.

"Malinawon Forest," maikling sagot ko dito.

"Okay. Thank you!"

Nang pumarada ang van sa harap namin, isa-isa nang pumapasok ang bawat isa habang nag-aagawan ng mauupuan. Hinayaan ko naman na muna silang makapasok lahat bago ako sumunod. Ang lahat ng lalaki ay nasa likod except nalang kay Art na siyang nagdadrive ng sasakyan. Habang kami namang mga babae ay nasa harapang bahagi ng sasakyan.

Nagsisimula ng umandar ang van at tinatahak na namin ang daan papuntang Malinawon Forest ng biglang nanggulat si Drib na naging dahilan para mapasigaw ang iba.

"Baliw ka talaga Drib," sabi ni Kenny habang tumatawa pa.

"Kasalanan ko ba naman kung sobrang kape ang nainom ng mga to," tatawa-tawang sabi nito.

"Loko-loko ka talaga kahit kailan. I hate you!" galit na galit namang sigaw ni Grace, na naging dahilan ng tuksuhan.

"Feeling ko, may feelings pa si Grace kay Drib e. Ayieeee!" panggagatong naman ni Amber.

"Hoy Amber! Wag mo akong itulad sayo na nagconfess kay Drake. Yucks!" sabi nito na bahagyang nakangiwi pa.

"Pero seryoso na guys. Alam niyo ba na may kwento ang Malinawon Forest?" Pag-iiba ni Cara sa topic.

"Parang narinig ko na yan sa kwento ng lola ko." Sagot ko naman habang inaayos ang pag-upo ko para humarap sa kanila.

"Yes, about dun sa 'Queen of the Forest' na sinasabi nila diba?"

"Yes. At based dun sa kwento ng kakilala ko, there's something about that place. At itong ikukwento ko sa inyo ay ang mismong nangyari."

Nakuha naman ni Cara ang atensyon ng lahat.

"Ang Malinawon Forest daw noon ay isang private place kung saan ang nagmamay-ari nito ay ang Ragury Family." Seryoso nitong kwento habang nakatingin sa amin.

"May lahi ba ang pamilyang yan?" Tanong naman ni Drake na makikita sa mga mata ang kuryosidad.

"Americano yata yan. May kakilala kasi akong Ragury ang family name and she's a half american," sabat naman ni Fiona.

"Yan ang hindi ko sigurado. Pero ito na nga, ang pamilyang Ragury daw ang pinakamayamang pamilya noon. Si Fiya at Ralph Ragury ay may nag-iisang anak. Walang may alam kung ano ang pangalan ng anak nilang yun dahil kahit pagbanggit sa pangalan nito ay hindi pinapahintulotan ng mag-asawa. May sabi-sabi, na ang lahat ng tao na alam ang pangalan ng kanilang anak ay bigla-bigla nalamang nawawala."

"Baka naman aswang yang anak nila. Tapos kinakain niya yung mga makakakita sa panget niyang mukha!" Putol ni Drib sa kwento habang hindi siya matigil sa kanyang paghalakhak.

Natatawa na rin ang iba, pero alam kong hindi sila natatawa sa joke ni Drib kundi sa tawa nitong pambihira. Habang yung iba kasama na ako ay naiinis na nakatingin lang sa kanila.

"Hayst! Napaka immature mo parin Drib, alam mo ba yun ha?" mataray na sabi ni Grace habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Drib.

"Sorry na darling," tugon naman nito sa mga sinabi ni Grace.

Napuno ng tuksuhan pagkatapos sabihin ni Drib ang mga katagang yun. Pero kataka-takang hindi na ito nagsalita o umimik pa ng makita nitong sinalampak ni Grace ang earphones nito sa kanyang tenga.

Axiders' Bleeding Pen (My One-Shot Stories Collection)Where stories live. Discover now