Habang naglalakad sa isang madilim na daan, nangangapa ako habang humahakbang ng dahan-dahan. Bigla akong napahinto nang biglang may masagi akong malamig na bagay. Napaigtad ako nang marinig ko ang isang tunog,
*Click*
Sa isang iglap, ay biglang lumiwanag ang paligid. Sa isang switch pala ng ilaw nanggaling ang tunog. Agad napapikit ng mariin ang dalawang mata ko dahil sa liwanag na nagmumula sa silaw ng ilaw. Sobrang sakit ng aking mga mata habang pinipilit ko itong ibuka. Ngunit, sa pagbuka ng aking mga mata dahan-dahang nawala ang lakas na aking ipinunla para makaalis sa napakamadilim na lugar na ito.
Napatingin ako sa isang salamin, ang bagay na nasagi ng aking mga paa at kamay ay isa palang salamin. Nakikita ko ngayon sa kabilang bahagi ng salamin ang sinapit ko noon sa mga taong lumapastangan sa aking pagkababae. Nakikita ko ang pambababoy na ginagawa nila sa akin pero wala akong magawa. Nasa pagitan ko ang 'Salamin ng Buhay', ninais kong makalabas sa napakadilim na mundong ito ngunit, nang makita ko na ang ilaw mas gugustuhin ko nalang palang mabuhay sa dilim kesa makita ang ilaw na napakalagim.
-axi-
YOU ARE READING
Axiders' Bleeding Pen (My One-Shot Stories Collection)
RandomA compilation of one-shot stories that will take you to different journey in just one seat. If you're one of the characters in a book, how would you end your story?