Andrei's POV
Sige pa rin ang pagtatalak ng English teacher namin kay Ciaoran..
Kesyo hindi raw sya good example.. Ganito.. Ganyan.. Hay ewan..
Di na yata bago yan sa kaibigan kong batugan..
Parang musika na sa pandinig niyan ang ganyang uri ng mga sermon..
'Nga pala.. Di pa pala ako nagpapakilala..
Btw.. I'm Jon Andrei Roses.. Weird ng surname ko no?
Tinatanong nyo siguro kung kaano-ano ko si Rosanna Roses?
Well..
Actually..
Baleh..
Ahmm..
Ehh..
Aish..
>.<
Wala..
Di ko alam.. Haha.. Wag na kasing magtanong.. Hay..
Ay.. Teka.. Balik tayo kay Ciaoran..
Kaibigan ko na yan simula pa nung grade 1... Sawa na nga ako sa pagmumukha nyan eh..
>:D
Hindi.. Joke lang.. Pareho kaming laking China..
Ang kaso eh Half-Chinese Half-Filipino sya.. Pero ako pure Filipino talaga, dun lang ako pinanganak sa China..
Matalik na magkaibigan ang mga parents namin.. At dahil pareho kaming only child, parang magkapatid na ang turingan namin..
Hindi uso samin ang mga sekreto.. Lahat tungkol sa isa't isa alam namin..
Si Ciaoran yung tipong maaasahan mo sa lahat ng bagay.. Palakaibigan.. Matapang.. Matalino at higit sa lahat siya yung taong nasasandalan ko palagi..
Pero ang Ciaoran na nakilala ko noon ay bigla na lang nagbago ng dumaan ang isang unos sa buhay namin..
Ika-12 ng Agosto, 20XX .. Parehong namatay ang aming mga magulang matapos magkaroon ng business trip sa Macau..
Lulan sila ng private helicopter ng pamilya ni Ciaoran ng biglang mawalan ng control ang piloto sa sasakyan..
Hindi nakaabot sa lupa ang helicopter at bumagsak sa dagat..
Nung mga sandaling yun pareho kaming naulila..
At ang matapang na Ciaoran na inaasahan kong sandalan ng mga sandaling iyon ay biglang nagbago...
Nagrebelde siya.. Sa edad na sampu, natuto na siyang manigarilyo, uminom at makipagbasag-ulo..
Matapos masaksihan ang mga pagbabagong yun napagpasyahan kong mag migrate kaming dalawa dito sa Pilipinas..
Iniwan namin ang parehong kompanyang pinalago ng aming mga ama sa tito Roman ko.. Kapatid ni papa..
At kasama ang nag-iisa at halos buong-buhay ng yaya ni Ciaoran na si Nana Shen, nilisan namin ang China..
Marahil ito ang kelangan ni Ciaoran, ang bagong kapaligiran para makalimot..
Pero dun ata ako nagkamali..
Napasali siya sa mga grupo ng basagulero sa dati naming school..
At nitong huli lang, nalaman kong nasangkot na sya sa droga..
"Mr.Chua.. ! Are you listening or not?! " nanggagalaiting sabi ng guro namin habang si Ciaoran naman ay busy sa pagbilang ng mga butiki sa kisame..
Ano bang impormasyon ang makukuha mo sa taong lasing?
Naman..
--___--
Ipagpapatuloy ko na sana ang mala MMK na storya ng buhay namin ni Ciaoran ng biglang may isang eroplanong papel na nalaglag sa gitna namin ni Avril..
Napatingin ako sa likod at nakita ang pasipol-sipol na si Cody..
Kinuha ni Avril ang papel at mula sa ekspresyon ng kanyang mukha nalaman kong hindi kaaya-aya ang nakasulat dito.. Kumuha siya ng isang papel at sumulat..
Sinilip ko ang sinusulat nya at nabasa ko ang mga salitang:
HINDI SIYA ADIK! SI MAAM GREGORY ANG ADIK DAHIL PINAPAGALITAN NYA SI CIAORAN KAHIT WALANG KASALANAN! GETS MO?!
-AVRIL
Watdahel.. Bulag ba 'tong babaeng to? I mean, bingi ba to?
Haven't she heard that Ciaoran is drunk? And didn't she even saw na tuloy-tuloy ang pagpasok nito at di na nag greet sa teacher??
Uggh! Nang pinalipad na ni Avril ang eroplanong papel, imbes na kay Cody ito maglanding..
Napunta ito sa harapan ni Maam Gregory..
Nagpabaling-baling ang tingin ko kena Cody at Avril.. Pareho silang namumutla..
Yumuko si Maam para pulutin ang eroplanong papel..
Parang nag slow motion ang lahat..
Narinig ko pang napabulong si Avril ng :
"Ohh hindiiii..! "
Pero huli na dahil:
"WHO IS AVRIILL?" nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ni Ma'am..
Parang atubili naman si Avril sa pagtaas ng kamay..
Napapikit pa siya ng puno ng diing nagsalita si Maam..
"kindly escort Mr. Chua to Miss Lopez's room.." parang puputok na si Maam..
"BOTH OF YOU!! Get your detention slip..!"
OhMy! Somebody call the police..
Magiging madugo ang labanang ito..
Parang nagdadalawang-isip naman si Avril kung nagjo-joke ba ang teacher o hindi..
Sarap batukan..
Siniko ko si Avril at sabay kaming napatalon nung sumigaw muli si Ma'am Mt. Pinatubo..
"GET OUT!"
Napakurap-kurap ako..
Ahmm..
School ba 'to?
Kung school nga 'to promise di na ako magpapasaway..
Mukhang uso yata sa eskwelahang ito ang BATAS-MILITAR..
Nyay!
BINABASA MO ANG
Si Mr. Sadista, Mr. Tulay at ang Crush kong Adik???
General FictionPanu kaya ang buhay ng may tatlong asungot sa buhay mo?? gusto mong malaman?? edi basahin mo... XPP This is a no ordinary love story :3