Cody's POV
"Oh? Di pa kayo tapos?"
nakayuko kong tanong sa dalawang gonggong..
Kasalukuyan kong pinapagpag ang nadumihan kong tennis..
Sayang ang design kung matatabunan lang ng dumi.. Bagong bili pa naman to.. Tsk
"Mga brad! Tara na sa classroom.. " inip kong sabi sabay tapik at akbay sa naka luhod na si Jacob..
"..mukhang nauna na yata si Avril.."
Napatigil naman si Jacob sa pag-aayos ng kadena at napatayong bigla..
Napano to?
"Bro, wala namang ganyanan.." parang nandidiri nyang sabi at inginuso ang naka akbay kong kamay sa kanyang balikat...
Aba't !
Dali-dali ko naman itong kinuha at isinuksok sa bulsa ng pantalon ko..
"Magmumukha akong bading nyan eh.. Ma turn-off pa sakin mga chicks dito.."
"GAGO! " sabay batok ko sa kanya..
Kala naman nya sakin may pagnanasa sa kanya? Langya!
"..tara na nga! Uy Lance.. Di ka pa tapos dyan? Para ka namang babae sa kupad.. "
"Andyan na.. " sagot naman nito at nagmamadaling tumabi sakin sa paglalakad..
Minsan tuloy naiisip ko may gusto sakin 'tong si Lance eh.. Panay ang dikit sakin..
=,=
Nung nakapasok na kami sa kwarto, isa lang talaga ang hinanap ng mga mata ko..
Ewan.. Parang di nakukumpleto araw ko pag di ko sya inaasar eh..
Para bang daily routine ko na.. Haii..
At nakita ko siyang kausap ang nag-iisang kaibigan ni Ciaoran..
Si Andrei Roses..
Nagsalubong ang mga kilay ko..
>:(
Naglakad ako palapit sa kanilang harapan..
Tumigil lang ako nung halos isang metro na lang ang layo ko kay Avril..
Ewan ko pero pakiramdam ko parang sasabog ako sa galit..
Ano ba 'to? Inis na inis talaga ako!
Dinuro ko si Andrei..
"HOY! " napalingon sakin ang mokong..
Nakuha ko rin ang atensyon nung iba naming kaklase.
"..ako lang--" tinuro ko ang sarili ko .
"--ang may karapatang tumabi sa pusang yan! "
Nakita ko namang napangiwi si Avril..
Magsasalita pa sana kaso naunahan ni Lance..
"Oo nga! Hindi mo ba alam.. Girlfriend nya si Avril.. "
Tumango-tango naman si Jacob.
At lalong sumimangot si Avril..
Ever supportive talaga tong mga ka tropa ko..
Nag high-five pa kami at sabay na pinukol ng nakamamatay na tingin si Andrei..
Nanghilakbot naman yung isa na kamuntikan na naming ikahagalpak ng tawa kaso eh umepal ang pusa..
"Ikaw! Ikaw at lalo na ikaw! " nanggagalaiti nya kaming pinagduduro .
"..anong mga kaengotan ang pumasok dyan sa kukote nyo at parang mga timang kayo dyan sa mga pinagsasasabi nyo?! Tatabi ako kung kanino ko gusto.. At pwede ba? Ikaw unggoy!
HINDI MO AKO GIRLFRIEND!"
Ouch!
Aray!
Sinong sumaksak sa puso ko? Ang sakit..
Sasagot pa sana ako pero biglang..
*KRIIIING!
Nag-bell na.. Wala na akong choice kundi umupo sa likod ni Avril..
Nagngingitngit ang kaluoban ko..
Naman.. At tawa pa siya ng tawa habang nakikinig sa mga korning jokes ng loko!
Malandi talaga tong babaeng to! Kainis.. Humanda ka sakin mamaya!
"Okey class.. Is everybody now on their proper seats?"
"Yes Ma'am!"
Hanep din 'tong guro namin ah.. Ma'am Gregory.. Pangalan palang bakulaw na ang dating..
Dagdagan pa ng mukha.. Bakulaw na bakulaw na talaga!
Yung bibig nya parang pwet ng manok.. Panay ang putak..
Tyaka yung dibdib .. Ay tae! Pamatay peste..
Pag nadaganan ka talaga daig mo pa yung napisang palaka! Tsk.
Kakawalang ganang makinig..
30min. na atang nagtatalak si Maam Bakulaw ng biglang bumukas ang pinto ng classroom..
Napalingon kaming lahat..
Tsk.
=,=
Dire-diretso lang syang umupo sa likuran.. Itinaas pa nya sa desk ang dalawang paa..
Yung katabi nyang babae..? Naka nga-nga..
Di man lang talaga sya bumati sa guro.. Nasan ba GMRC nito? Tsk.
KYLE CIAORAN CHUA.. Wala ka talagang katulad.. Walang pinagbago..
Nakakasuya ka pa rin..
At si Avril? Expect the expected.. Nakatulala na naman sa crush nyang adik.. Uggh..
Wala talagang ka taste-taste.. Buti sana kung ako pinaglalawayan nito, masasabi ko pang normal..
Natural POGI ako eh..
"You at the back .. Mr. Chua, right?" nanggagalaiting tinuro ni bakulaw si Ciaoran..
Parang ewan na tumango naman si Ciaoran..
"I believe you owe an apology for being late and for behaving such manners.." gigil na litanya pa nito habang naglalakad palapit kay Ciaoran..
"..its the first day of class.. And your entering in my room like your entering your house.. And--"
Inamoy-amoy nya ito at nanlaki ang mga mata..
"YOU'RE DRUNK!" Blah blah blah
Napailing na lang ako..
Gumawa ako ng eroplanong papel at binato kay Avril..
Sinulatan ko yun bago paliparin papunta sa kanya..
OH?NARINIG MO?ADIK TALAGA YANG CRUSH MO!
-CODY
Nakita kong pinulot nya ito at binasa..
Napatawa pa nga ako sa reaksyon nya matapos nyang basahin..
Binato nya ako ng matatalim na tingin..
Umiwas naman ako at sumipol-sipol pa..
Kumuha siya ng bagong papel, nagsulat at pinalipad papunta sakin..
Pero minalas na umiba ito ng direksyon matapos madaanan nung hangin ng electric fan..
And..
LAGOT!
O.O
O.O
UH-OH .........
BINABASA MO ANG
Si Mr. Sadista, Mr. Tulay at ang Crush kong Adik???
Ficción GeneralPanu kaya ang buhay ng may tatlong asungot sa buhay mo?? gusto mong malaman?? edi basahin mo... XPP This is a no ordinary love story :3