Cody's POV
"Cody bilisan mo.. magtago na tayo...! Parating na si Ralph.." humihingal na sabi ni Brian..Pawis na pawis na sya..
"Oo.. Dali.. dun tayo magtago.."
"Wag dyan.. Dito tayo.." Sabay turo sa kanang bahagi ng bakanteng lote.."tara.." at sinabayan nya pa ng mabilis na pagtakbo..
Sinundan ko siya pero sadya nga talagang kakambal ko ang kamalasan.. Natisod ako sa isang bato at nadapa... Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa aking tuhod..
Kinagat ko ang aking labi upang pigilin ang paghikbi dahil nakita kong parating na si Ralph..
"Cody..! Brian.. Magtago na kayo..! Andyan na ako..." pasigaw na sabi ni Ralph saka tumawa...
Nanindig ang mga balahibo ko..kelangan kong magtago.. Pero saan..?? Iginala ko ang aking paningin at... Ayun!! Dun sa lumang closet..
Pa ika-ika akong tumakbo dun sa closet at nagtago.. Siguradong hindi na ako makikita ni Ralph dito..
Marahil ay sampung minuto na ang luumipas ng makarinig ako ng tawanan sa labas ng closet..
"hahahah...Cody?? kawawang Cody..Hindi na makakalabas sa closet na yan.."
Anong..??? Boses ni Brian yun ah.. Nag panic ako...pinag susuntok ko ang pinto pero ayaw bumukas..
"Wag mo ng sayangin ang lakas mo Cody.. Di ka rin naman makakalabas diyan..Hahah.." alam kong si Ralph yun.. kilalang kilala ko ang nakaka irita nyang boses..
Tumahimik na lang ako habang patuloy naman sila sa pagtawa.. inis na inis ako.. gusto kong umiyak.. pero hindi.. matapang ako.. Nakiramdam ako hanggang sa..
*CLICK
Tuluyan na nila akong ni- lock..
"Bye-bye Cody.. Ngayon mo tawagin ang artista mong tiya..baka sakaling marinig ka nya.. hahahahah..Tayo na Ralph.."
"Ingat Cody.. maraming ahas diyan.. SSSssss.. hahaha.."
Nakarinig ako ng mga yabag palayo.. umalis na sila.. Unti-unting nanlabo ang aking paningin..sanhi marahil ng mga di mapigil na luha na kumawala saking mga mata.. Pinahid ko ito.. kinusot.. at saka ko lang napagtanto.. Madilim pala dito.. Takot ako sa dilim.. kelangan kong makalabas..
*Blag! Blag!
Nagsimula na naman akong sumuntok dun sa pintuan ng closet.. Pero wala talaga.. Sa huli..sumuko rin aok.. Napa-upo ako.. niyakap ko ang aking mga tuhod at nagsimulang umiyak..
Naisip ko yung kanina.. Kung panu ako inaya nina Ralph at Brian na makipaglaro sa kanila ng taguan.. At tulad rin ng ibang mga 7 years old na bata na sabik sa mga kaibigan at laro ,walang atubili na sumama ako..
Hindi ko na inisip na galit sa akin si Ralph at naiinggit naman sakin si Brian dahil sa artista kong tiya..
Kaya ngayon.. heto ako..Nag-iisa sa isang madilim na closet .. Nasan na ba si mama??? Umiiyak na talaga ako.. sa takot..sa inis..ayoko dito..ayoko.. sinipa ko ang pinto at..
"Lalala..Lalala.. hello bird.. hello flowe-----------"
May tao!! Hindi ko na sya pinatapos at..
"Palabasin nyo ako dito..!!" sumigaw ako.. pa ulit-ulit..
*Click!
Sinipa ko ng ubod lakas yung pinto at bumukas naman ito.. Nasilayan kong muli ang liwanag..
"Hi.. ano po ang ginagawa nyo sa closet ko??" isang batang babae na siguro'y ka edad ko ang nagtanong.. Tinitigan ko sya..
Unang nakakuha ng aking pansin ay ang kanyang malalaking mga mata na kulay blue .. bakit? kasi diba kulay black or brown naman yung kulay ng mga mata ng mga pinoy? meaning.... foreigner sya! tama... kulay light brown ang hanggang balikat nyang buhok na naka-pigtails.. mapupulang mga labi na may bahid pa ng chocolate sa gilid.. maliit pero cute na ilong at------..
"Hello po..Ako po si Avril.." Ngumiti sya... Napakaganda nya!!!!
Pero kahit diyosa pa sya ng kagandahan hindi pa rin nito mapapagaan ang galit at inis na bumabalot sa king puso nung mga oras na yun..
BINABASA MO ANG
Si Mr. Sadista, Mr. Tulay at ang Crush kong Adik???
General FictionPanu kaya ang buhay ng may tatlong asungot sa buhay mo?? gusto mong malaman?? edi basahin mo... XPP This is a no ordinary love story :3