Chapter II: Meeting Mr. Sadist

363 4 0
                                    

"Sayo ang closet na 'to??" naningkit ng husto yung mga mata ko..

"O-opo.." nag-alangan pa sya kung tatango ba o hindi..

At sa kanyang pagka bigla.. tinulak ko sya.. Napa-upo siya.. Kinusot nya ang mga mata nya at nagsimulang umiyak...

"Oh??anong iniiyak-iyak mo dyan??Masakit ba??" tumingin siya sakin... Ngumisi ako...

Nung akmang tatayo na sya bigla naman akong tumakbo.. Gusto ko ng umuwi...

Pa ika-ika akong pumasok sa bahay.. Buti na lang hindi ako napansin ni mama..

"Oh Cody.. andyan ka na pala... kumusta naman ang laro nyo????"

Napalingon ako sa nagtanong.. Si mama..akala ko pa naman di nya ako napansin...

Gusto kong sabihin ang totoo.. na pinagkatuwaan ako nina Brian at Ralph.. pero ayoko namang ma dissappoint siya.. Kaya napag desisyunan kong magsinungaling...

"ahhmm... masaya naman po.."

"Magbihis ka pala..ang dumi-dumi mo na.. pupunta tayo diyan sa kabilang bahay.. may bagong lipat ata.." heto na naman po tayo..mama talaga..ang chismosa.. Alam lahat ng nangyayari xa subdivision.. Palibhasa updated..Tss

"Opo.." tipid kong sagot at matapos magbihis ay dumiretso na agad ako sa baba..

"Oh.. Kunin mo yung cookies sa oven.. I reregalo natin dyan sa bago nating kapitbahay.."

"arrgh! Okey po!" kainis.. Palagi na lang ganyan si mama.. Ewan ko ba..Buti di ako nag mana sa kanya..

"COOODDDYY!!"

"Andyan na po!"

Avril's POV

Kainis talaga nung batang 'yun.. Apo yata ni satanas.. Bigla na lang nanunulan eh.. Ahmp.. Tinanong pa ako kung masakit.. Natural!! Talaga naman oh..

"Lolo!" tawag ko kay lolo na sa tingin ko'y nakatulog na kakatahi nung shorts nya..

"Oh?" minulat niya ang mga mata niya at nag hikab.. "apo.. Bakit?"

Si Mr. Sadista, Mr. Tulay at ang Crush kong Adik???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon