Chapter IV: My Knight in Shining Armor??

179 0 0
                                    

Chapter IV: My Knight in Shining Armor??

Hila-hila ko yung lalaki at nagtatakbo kami papunta dun sa lugar na pinagsasabi nya..

Malayo-layo rin yung lumang bodega na yun kasi nasa dulo pa sya ng school.. matagal na itong inabandona..

Ewan ko ba kung bakit inabandona yun.. siguro dahil luma na nga talaga..O baka naman....

may mga multong nakatira dun?

O_O

o_O

O_o

harujuskoo! Wag naman sana..

*takbo.takbo.takbo*

lintek na cody talaga yun.. anu bang pumasok sa kukote nun at nakipag-away sa pinaka siga sa section 4? sa pagkaka alam ko malaking bata yun au.. eh si cody? tsk.tsk.. Isang hamak na dakilang payatot na bata na ang hilig ay mang-api sa mga tulad kong walang laban..=.=

at muli..Aking sasabihin.. Bading po yang si cody.. Walang duda..=.=

"hayun!Hayun! *hingal*.."

tiningnan ko ang direksyong tinuro nya at...

"Cody !! Waaag!"

Napatingin sakin si Cody.. Napahinto sa gagawin sana nyang pag suntok dun sa lalaking kinuwelyuhan nya..

"'langhiya! Umalis ka dito panget!" parang nabiglang sabi ni Cody..

"ititigil mo yan.. O isusumbong kita kay tita liz??!" pinandilatan ko sya.. Yung tipong nagbabanta.. Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng mamataan ang isang tabatchoy na lalaki sa likuran ni Cody.. Hawak-hawak ang isang dos por dos..

Oh shit!!

Papaluin nya si Cody!

Taena!

Si Mr. Sadista, Mr. Tulay at ang Crush kong Adik???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon