PROLOGUE

90 1 1
                                    

     Ako po si Rolando, taga-Cebu at 20 na taong gulang at ipinanganak noong Pebrero 18, 2012. Nag-aaral po ako ngayon sa isang eksklusibong paaralan dito sa Cebu sa kursong BCS, nasa ikaapat na taon na po ako sa unang semester ng taong 2032. Hindi po ako hinadlangan ng aking mga magulang sa aking piniling kurso dahil alam nilang gusto ko ito at alam nila na hilig ko talaga ang mga computer. 

     Sa aking kurso, napagdaanan ko ang maraming problema gaya na lamang ng mga project at  assignment na may kinalaman sa computer, pero masipag ako, hindi ko hinayaang dakpin ako ng katamaran. Iyon ay dahil may  pinanghahawakan akong inspirasyon sa aking buhay, si Celestine, na nag-aaral sa isang eksklusibong  paaralan sa Manila. Alam ko na mas gusto ni Celestine sa Manila dahil mas advanced ang kanilang mga pinag-aaralan. Si Celestine ay kumuha ng kursong BSIT o Bachelor of Science in Information Technology na may kinalaman rin sa Computer. 

     Minsan iniisip ko na sana lagi siyang nasa mabuting kalagayan. At sana OK siya doon. Hindi ko maikakaila na gusto ko siya, dahil nga sa pagiging palakaibigan nito at pagiging masayahin. Noong kami ay 4th Year pa lamang sa high school, sinabi ko na ang aking nararamdaman, pero sinabi ni Celestine na hindi pa daw siya handa sa pakikipagrelasyon, kaya ang sinabi niya sa akin, maghintay ako ng 5 taon kung talagang mahal ko siya, pero paano ako makikilala at mamahalin ng lubusan ni Celestine kung malayo kami sa isa't isa?

     Para sa akin, mas maganda na magkalayo na lang kami, dahil kung talagang mahal ko siya, siya pa rin ang itinitibok ng aking puso ko pagkatapos ng 5 taon.....

     Nasa classroom ako kasama ng iba ko pang ka-block, nagrereview para sa aming quiz na ukol sa Computer. Nahulog ang notebook ko at aking pinulot. Sa Notebook ay nakita ko ang picture ni Celestine na nakangiti at nakasigpit sa isang pahina ng notebook ko. Naalala ko nung kinuhanan ang picture na iyon, kinunan iyon ng isang kaibigan namin na si Sunshine. 

FLASHBACK 

"Kukunin mo na ba yung picture?", tanong sa akin ni Sunshine. "Oo, kukunin ko na para magawan ko nang graduation gift si Celestine, ipasa mo na lang sa FB" 

     Imbes na ibibigay ko ito sa graduation namin ang regalong iyon ay nabigay sa araw ng aking kaarawan. Inabot ko ito kay Celestine sabay tukso ng aming mga kaibigan. Hindi sukat-akalain ni Celestine na ako ay magbibigay ng regalo sa kanya. Natapos ang kaarawan ko noon na may ngiti sa aking mga labi dahil nakasama ko ang aking mga kaibigan ko lalo na si Celestine na napakaimportante sa buhay ko. 

END OF THE FLASHBACK 

      Dumating na nga ang aming instructor sa Computer subject namin at sinimulan na namin ang aming quiz. Pagkatapos ng quiz ay chineck agad ng aming instructor ang mga papel. Laking gulat ko nang makita ko ang aking iskor sa aking papel, 29/30 at ako pa ang highest sa klase.

Ano kaya ang dahilan kaya nakakuha ng mataas na marka si Rolando sa kanyang quiz? Naging inspirado ba siya sa pananariwa ng mga alaala niya kasama si Celestine o dahil lang ito sa kasipagan niyang mag-aral?

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon