CHAPTER 6: KAHALAGAHAN

35 0 0
                                    

     Nung gabing iyon ay nag-isip-isip ako, dati gusto ko na kumpleto kaming mga magkakaibigan, at ngayon na kumpleto na kami, ngayon pa ba ako lalayo sa kanila. Mahalaga ang bawat sandali, napangiti ako at nangako na itrea-treasure ko ang bawat sandali na kasama sila, dahil........ kaibigan ko sila.

     Kinaumagahan noon ay nagising ako nang maaga at nagluto para sa kanila (kahit na wala ako masyadong karanasan sa pagluluto, haha :-)  ) Unang nagising si Giggles at nakita niya akong masayang nagluluto, pagkatapos noon ay ginising niya ang iba pa naming mga kaibigan maliban kay Celestine.

     Pagkatapos ay sinamahan nila akong magluto. Alam nila na magluluto rin ako para kay Celestine kaya sinabihan ako ni Sunshine ng paborito niyang pagkain, sabi niya: fried noodles daw, kaya gumawa ako ng ganoon(kahit na hindi ko alam). ........................................................................................................................................................................

     Whew natapos rin at ginawa ko talaga siyang espesyal para kay Celestine. Nung panahon ring iyon ay ginising na nila si Celestine at nagulat siya sa ginawa kong fried noodles para sa kanya. Sabay-sabay kaming kumain na magkakaibigan kagaya nang nakagawian namin nung 4th year high school kami sa canteen.

     Nanalangin muna kami bago kami kumain. At nung kumakain na ay pansin kong sarap na sarap si Celestine sa hinanda ko para sa kanya. Tinginan ang lahat sa akin habang ako'y nakangiti, tinanong ako ni AJ kung bakit ako nakangiti. Sinagot ko siya sabay tingin sa kanilang lahat:"Eh kasi kasama ko kayo eh, salamat ulit"

     Bumalik na ang diwa ng kanilang pagkakaibigan. Nakuha na ni Rolando ang kanyang sariling dahilan kung bakit kailangan pa niyang manatiling buhay........ iyon ay dahil meron pa ang kaniyang mga kaibigan na umaasang mabubuhay siya.

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon