CHAPTER 5: HINANAKIT

14 0 0
                                    

     Nung gabing iyon ginusto kong maging mapag-isa, nalaman ko na pumunta pala ng Manila si mama para sa isang importanteng lakad. Nasa bahay pa rin ang mga kaibigan ko pero pinili ko pa ring mapag-isa.

     "Bakit ganoon? Nahihirapan akong makita ang mga kaibigan ko na apektado sa kalagayan ko. Sana kung pupwede lang gusto ko ng mamatay ngayon para mas maaga silang makalimot sa mga lungkot na dinulot ko sa kanila. Pero ayoko pa eh, gusto ko pa silang makasama. Pero habang kasama ko naman sila ay mas lalong nadadagdagan ang hinanakit ko dahil sa nakikitang kalungkutan sa kanilang mga mukha. Ang hirap............"

     Nung pumasok ako ay nasa loob ang mga kaibigan ko, pinapanood ang mga alaala namin mula noong kami'y 3rd year pa lamang. Habang sila'y nanonood may kumatok sa pintuan. Binuksan ito ni AJ at napatulala nung makita ko kung sino ang aming bisita.........

     Si Celestine na umuwi pa mula Manila para ayusin ang pagpapatransfer niya sa paaralan namin dito sa Cebu.

     Sa aking pagkabigla ay hindi agad ako nakatingin sa kanya. Pero sa mga palingat-lingat kong tingin sa kanya ay kitang-kita ko pa rin sa kanyang mga mukha ang pag-aalala niya sa akin dahil sa patingin-tingin niya sa akin.

     Pero nung tumagal ay tinapos ko na ang patingin-tingin namin sa isa't isa at kinausap ko siya.

     "Apektado ka pa rin ba sa kalagayan ko?", tanong ko sa kanya

     "Alam mo, Rolando? Apektadong-apektado ako at nagsisisi. Bakit? Dahil hindi ko nasabi sa iyo nang mas maaga ang nararamdaman ko sa iyo. Alam mo ba noong nasa eroplano ako na papunta dito sa Cebu ay ikaw ang inaalala ko. Ang hiling ko pa sana, kasama kong mamatay ang taong minamahal ko pero paano yan, inuunahan mo na ako.", sagot niya sa akin na napansin ko na parang naiilang at may pinipigilang sabihin.

     "Bakit, Celestine? May kailangan ba akong malaman, parang naiilang ka at may gustong sabihin.", pagdududa kong sinabi sa kanya.

       "Ah wala, ang ss-sinasabi ko lang ayokong iwan mo akong nag-iisa.", nag-aatubiling sinabi ni Celestine at umalis papunta sa mga kaibigan namin sa kanilang mga kuwarto sa loob ng bahay namin.

Meron bang tinatago si Celestine na hindi niya masabi kay Rolando? Kung meron man, ano kaya ito? Isa ba itong mabuti o masamang balita para kay Rolando

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon