CHAPTER 1: MAGKAKAIBIGANG WALANG IWANAN

51 2 1
                                    

     Sa 1st semester ng ikaapat na taon ko sa kolehiyo, nagsipag ako mula pa noong unang taon ko sa kolehiyo, meron pa nga yung mga puntong alas tres na ako ng umaga kung natutulog dahil sa dami ng projects at assignments namin, pero di ako sumuko. Natapos ang 1st Semester at maglalabas na ng mga grades. Nagulat ako sa aking mga grado, ang pinakamataas ko ay 96 at ang pinakamababa ko ay 82. At nagbunga ang aking paghihirap dahil #2 ako sa mga Dean's Lister. At utang ko ito sa aking inspirasyon na si Celestine. Nagsimula na ang aming sembreak at pagkakataon ko ulit na makita siya. Marami kaming reunion na magkakaibigang EXPECTED ERROR.

     Masaya kami na kami ulit ay nagkikitakita at nagkakasama pagkatapos ng 5 buwan simula nung nagsimula ang  unang Semester ng ikaapat naming taon sa kolehiyo. Natapos ang aming bakasyon at nagsimula na ang aming 2nd Semester at para sa aming magkakaibigan, daig pa  namin ang mga namatayan sa sobrang lungkot namin, pasukan na naman. Gaya ng dati, balik ako sa study mode mula sa Reunion Mode. Puyat na naman ako lagi ng puyat dahil sa mga  assignments at projects. Isang araw, may ginagawa akong project na napakahirap, habang ginagawa ko ito  sa aking laptop, bigla na lang akong nanghina, namutla at sumakit ang aking ulo na parang minamartilyo ka sa sobrang sakit. 

     Nagpasya ang aking nanay na ipacheck-up ako sa doktor at dito ko nalaman na limang taon na lang ang ilalagi ko sa mundo dahil sa namumuong kanser sa aking utak. Una kong naisip, paano na si Celestine? Nalaman ito ng aking mga kaibigan at labis silang nag-alala sa kanya. "OK ka lang ba Rolando,  bakit kailangang mangyari ito?", sabi ni Giggles na kaibigan rin namin. "Ewan?, Siguro oras ko na",  sagot ko naman sa kanila sabay tingin kay Celestine na halatadong malungkot sa kanyang mukha.  

     "Celestine, pwede ba kitang makausap?", tanong ko sa kanya. Nang marinig ito nila Sunshine, Rose,  AJ, Joy, Giggles at ni Flor, dali-dali silang umalis at naiwan na si Celestine at Rolando sa loob ng room.  "OK ka lang ba?", nag-aalalang tanong ni Celestine. "Oo, ayos lang ako, marinig ko lang ang boses mo,  pwede na akong mama-?" "Tumigil ka nga Rolando", ang sigaw niya sa akin para itigil ang susunod na salita  na aking sasabihin. "Bakit Celestine? Di ba ganoon rin lamang ang mangyayari sa akin, di ba?"  "Di mo naiintindihan, kailangan mong magpakatatag, para sa amin ng mga kaibigan mo, La-lalo na sa akin."  "Bakit?,di mo na nga ako pinapansin minsan eh, simula nung sabihin ko sa iyo na may nararamdaman ako sa iyo,  kaya ano pang dahilan ko para mabuhay kung hindi naman kita mapapakasalan sa takdang panahon? Sabihin mo! Sabihi-!"  

     "Mahal kita", napatulala ako nung sinabi niya yun. "Ano? Kung napilitan kang mahalin ako dahil sa kalagaya-"  "Hindi ako napilitan dahil sa kalagayan mo, mahal na kita dati pa, bakit hindi mo ito nakikita dati pa ?",  pagalit na sabi ni Celestine.

"Bakit ngayon lang sinabi ni Celestine na mahal niya pala si Rolando? Ngayon na nalaman niyang may malubhang sakit ito saka niya sasabihin? Hindi kaya mas lalong mahirapan si Rolando dahil sa sinabi ni Celestine?"

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon