CHAPTER 4: DAHILAN PARA MANATILING BUHAY

21 1 1
                                    

     Nagising ako nung umaga at sa aking paggising ay hindi ko inaasahan ang aking nakita: Ang mga kaibigan kong sila AJ, Rose, Joy, Ana, Sunshine, at Giggles ay nagluluto para sa aming magiging almusal.

     "Magandang Umaga Rolando", sabay-sabay na sabi ng aking mga kaibigan.

     Sa pagkagulat ay hindi ako agad nakapagsalita. Sa halip ay napaluha ako sa inihanda ng aking mga kaibigan. Dahil dito ay niyakap ko silang isa-isa at dito na bumuhos ang aming mga luha.

     "Nasan si mama? Paano kayo nakarating rito?", tanong ko sa kanila.

     "Ang nanay mo? Pinaalam namin sa kanya na gusto ka naming makasama sa mga huling taon mo dito sa mundo.", sabi naman ni AJ sa akin.

     Kahit na alam ko na marami sila ngayon sa bahay ay hindi ko maiwasang mapansin na wala ang kaisa-isang pinakamamahal ko sa mga panahong iyon, Si Celestine, na alam kong nagtatampo pa rin sa akin dahil sa hindi ko pagpansin ng nararamdaman niya noon.

      Nahalata ng aking mga kaibigan na bigla akong naging malungkot dahil wala si Celestine.

     "Oo alam namin Rolando, mahirap para sa iyo na iwan si Celestine dahil mahal mo siya at hindi niyo pa rin naaayos ang mga problema niyo kung ano man iyon. Pero balang araw naman siguro maaayos niyo rin yan, di ba?", sabi sa akin ni Sunshine.

     "Hindi niyo alam yung nangyari", sinabi ko sa kanilang lahat.

   "Rolando, alam namin na limitado na lang ang oras mo sa mundo, pero hindi ka namin hahayaan na dalhin ang problema mo hanggang sa pagkamatay mo, kaya sige, sabihin mo ang problema mong iyan, ilabas mo lang lahat sa amin na mga kaibigan mo.", sabi sa akin ni Rose.

       "Inamin niya sa akin na mahal niya ako mula pa noong 3rd year kami", sabi ko sa kanilang lahat.

     Napatahimik silang lahat nung marinig nila iyon.

     "Nakakainis eh, kung kailan limitado na ang mga oras ko sa mundo, ganun pa ang mangyayari. Ngayon na may taning na ang buhay ko, magiging dahilan ko pa ba siya para mabuhay. Hindi na, dahil oras ko na at hindi na iyon mababago.", pagdaramdam ko na may halong pagsisisi.

     Biglaan akong lumabas sa aming bahay at iniwan ang aking mga kaibigan sa loob ng bahay namin.

Nagulat ang mga kaibigan ni Rolando dahil sa kanilang narinig at hindi nila inasahan na iyon ay maririnig nila kay Rolando. Ano kayang naghihintay kay Rolando sa apat na taon niya pang natitira sa mundo? Magiging masaya ba siya, o papanaw ng may kalungkutan sa kanyng damdamin?

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon