CHAPTER 7: NAKATADHANA

15 0 0
                                    

     Umaga noon nung maisipan kong mamasyal kami ng mga kaibigan ko at pumunta sa mga lugar na lagi naming pinupuntahan noong kami ay high school pa lamang. Sa plaza kung saan lagi kaming naglalakad dati habang nagkwe-kwentuhan. At kapag nagutom ay pupunta sa malapit na fastfood gaya ng Jollibee o kaya sa KFC. Hindi ko pa makakalimutan yung mga panahon na nung 4th year na sumama noon ang adviser namin nung 3rd year na teacher rin namin sa Filipino dahil sa lagi niya tinuruan niya kami dati ng tungkol sa Noli Me Tangere na isa sa mga akda ni Jose Rizal. Sinamahan niya kami minsan para makapagbonding sa KFC, kahit na kami ay 4th year na kami ung mga panahong iyon ay hindi pa rin namin siya nilimot dahil siya ang nagbigay sa amin ng pinakamasayang taon sa high school.

     Muli naming sinariwa ang mga panahong iyon nung mamasyal kami. Gaya ng dati kwentuhan pa rin kami ng kwentuhan na parang walang masamang mangyayari sa akin. "Sana ganito pa rin kayo kung wala na ako", pasingit kong sinabi sa kanila. Napatahimik ang lahat at nagsitinginan sa akin. "Bakit?", tanong ko sa kanilang lahat. "Pwede, Rolando wag ka munang magsalita ng tungkol diyan, di pa kami handa.", sagot sa akin ni AJ. "Pasensiya na, pero hindi ko maiwasang isipin ang mangyayari kung mawawala ako, alam niyo yun? Parang magiging kasalanan ko pa kung magiging malulungkot pa kayo." 

"Paano kami hindi magiging malungkot kung paulit-ulit mong binabanggit ang posibleng mong pagkamatay.", sabi ni Rose. "Hindi "posible" kundi "nakatadhana", yun ang totoo, kung yun ang talagang nakatadhana sa akin, tatanggapin ko nang buong-buo." "So, ganun na lang? Susuko ka na lang ng basta basta, naririnig mo ba ang sarili mo, Rolando?" "Hindi ako sumusuko, binibigyang diin ko lang yung mga posibleng mangyayari pag mawawala ako. At isa pa, kilala niyo ako, di ako basta basta sumusuko, kung kinakailangang lumaban ako hanggang sa malagutan ako ng hininga, gagawin ko manatili lang akong buhay. Isa pa, gusto kong maging handa kayo kapag nawala na ako. Di niyo lang alam kung gaano ko kayo ipinagmamalaki na naging kaibigan ko kayo, at ayaw ko na balang araw na mawawala ako ay parati na lang may kulang sa puzzle ng pagkakaibigan natin.", hindi ko napigilang tumulo ang aking luha. Imbes na pagalitan nila ako sa pagbanggit nun ay nag-group hug na lang kaming lahat habang nag-iiyakan para mabawasan ang kalungkutan sa aming magkakaibigan. Wala na silang masabi dahil sa kaiiyak nila.

     Natapos ang araw namin ng ngiti sa mukha dahil sa pagbabalik-tanaw sa mga ginagawa namin dati kahit na medyo nasira ko ang kasiyahan namin.

Tunay ngang matatag ang pagkakaibigan nila Rolando at ang kanyang mga kaibigan. Pero pilit ipinapahiwatig ni Rolando ang kanyang mensahe para sa kanila........... ayaw niya ng may nalulungkot ng dahil sa kanya...........

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

PAGKATAPOS NG LIMANG TAON..........................

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon