CHAPTER 3: ISANG PANALANGIN

181 0 0
                                    

     Pumasok na nga ako sa aking kwarto at bago ako matulog, nag-alay muna ako ng isang mahabang panalangin para sa lahat ng maiiwan ko pag ako ay namatay na:

     Sa ngalan ng ama, ng anak at ng espirito Santo Amen:

     Panginoon,

          Salamat po sa binigay niyong magandang buhay para sa akin. Patuloy ko po itong dadalhin sa aking sarili hanggang sa pagkakataong oras ko na upang sumama sa inyo.

          Panginoon, bigyan mo po ang mga magulang ko ng sapat na lakas para sa kalagayan kong ito pati na rin po ang aking kapatid na hindi pa po alam ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Sana po ay tulungan niyo po silang maging masanay na wala ako sa kanilang tabi.

          Panginoon, tulungan mo rin po ang aking mga kaibigan, sana po hindi sila malungkot sa aking pagpanaw dahil ayoko po na ako ang maging dahilan ng kanilang kalungkutan. Huwag na huwag niyo po silang pababayaan. Kung hindi ko man po sila masasamahan sa kanilang paglalakbay, hinihiling ko na sana'y mapatawad nila ako. Dahil ito po ang plano niyo para sa akin at tinatanggap ko na po ito.

       At higit sa lahat

           Panginoon, tulungan niyo po si Celestine na sana po ay maibigay niyo po ang lalaking nararapat sa kaniya. Sana po ay maging masaya siya palagi. Huwag na huwag niyo po siyang pababayaan . Gabayan niyo po siya sa kaniyang mga desisyon at ilayo niyo po siya sa lahat ng ng kapahamakan na maaaring mangyari sa kanya. Sana po ay mabigyan niyo pa po ako ng pagkakataon na makita siya sa huling pagkakataon bago ako pumanaw. Panginoon, mahal ko po siya, kaya ayoko po na magsisi siya dahil hindi niya po nasabi ang bagay na gusto niyang sabihin sa akin ng mas maaga.

      Sana po ay sa pagpanaw ko ay bigyan niyo po sila ng dahilan para magpatuloy kahit wala na ako. At Panginoon, kung sakaling huling pagkakataon ko na po silang makasama, sana po ay mabigyan ako ng sapat na oras para makasama at mkapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay. Aking pamilya, kaibigan at minamahal, salamat po sa kanila.

     Ito po ay dinadalangin ko sa ngalan ng Diyos aming ama, Amen

     Sa ngalan ng ama at ng anak at ng espirito Santo, Amen

Humiga na nga ako at nag-isip kung paano ba ang magiging buhay ko bukas. Sana normal pa rin ang lahat bukas. At hindi ko na namalayan na kaiisip ko sa magiging bukas ko ay nakatulog na ako.

Matutupad ba ang hiling ni Rolando para sa kanyang mga mahal sa buhay? Paano na si Celestine? Paano na sila ni Rolando? Magbabago kaya ang pagtingin ni Celestine kay Rolando dahil nga sa hindi na siya magtatagal sa mundo?

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon