CHAPTER 8: PAGKAWALA..............

16 0 0
                                    

     PAGKALIPAS NG LIMANG TAON.......

     Naging malala na ang kundisyon ko at bago mangyari ito ay nawala si Celestine ng dalawang taon, sa mga panahong nanghihina na ako, wala siya. Kaya mas lalo akong nag-alala sa kanya. Nasa bahay na muli si Mama at inalagaan ako kasama ng aking mga kaibigan.

     "Mga kaibigan ko, salamat at hindi niyo ako iniwan, nararanasan ko na ang paghihirap, di na ako tatagal sa mundong ito at......" bigla akong nawalan ng malay.

     "Rolando! Rolando!", mga boses na naririnig ko ngunit hindi ko makasagot.......

    Noong sumunod akong magising ay nasa ospital na ako at nagulat ako sa nakasama ko sa loob ng room na iyon at nakahiga rin sa kama ng ospital, si Celestine. Gising siya at tinititigan ako. "Celestine? bakit ka nandito?", tanong ko sa kanya. "Alam mo yung panahon na pakiramdam mo na may nililihim ako sa iyo? Eto yun, may karamdaman rin ako, Brain Cancer Stage 4 gaya mo, kaya rin ako nawala ng dalawang taon ay dahil nakahiga rin ako sa kama sa bahay namin. Inilihim ko ito dahil alam ko ang magiging reaksyon mo at ayaw mong mangyari ito." "Pero bakit pati ikaw?", sabi ko sa kanya. "Siguro ito yung "nakatadhana" para sa akin.", sabi niya sa akin. Sa mga linyang iyon ay naalala ko ang sinabi ko last 5 years, parang isang DEJAVU.

     Nawalan ulit ako ng malay at sumigaw si Celestine. Nang sumunod akong magising ay nakita ko ang sarili ko sa isang gubat at sa isang banda may liwanag. Nakita ko na nakasuot ako ng puting damit. Palapit na sana ako sa liwanag na iyon nung may tumawag sa pangalan ko, at nakita ko si Celestine. "Rolando, wag kang papasok diyan, nang hindi ako kasama." "Hindi Celestine, kailangan mong bumalik para sa kanila." , sabi ko sa kanya. "Magiging selfish ako kung di kita sasamahan at ako lang mabubuhay. Ayaw na kitang pakawalan. Rolando, mahal kita at gusto kong sumama kung saan ka man pumunta." "Naiintindihan kita Celstine, pero ako lang dapat eh, ayokong mamatay rin ang minamahal ko." "Rolando, aanhin ko pa ang buhay kung wala ka na, gusto ko magkasama tayo hanggang sa huli." "Sige kung yan talaga ang gusto mo, hawakan mo ang kamay ko at tayo na"

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkatapos ng isang taon

.

.

.

.

Nakita ang mga kaibigan nila Celestine at Rolando na naghahanda para sa isang okasyon at kasama ang magulang nila Rolando at Celestine na parang magkakaroon ng kasal. Lumiban muna si Sunshine at may dinalaw.....

"Handa na kayo?", sabi ni Sunshine

"Oo handa na kami", sabi ni Celestine na nakawedding gown na kasama ko bago ako umalis papuntang simbahan.

FLASHBACK

(PAGKATAPOS PUMASOK SA LIWANAG)

     Nagkapulso kami ni Celestine imbes na mamatay at halos humagulgol na ang aming mga kaibigan at magulang sa panghihinayang kung mabubuhay pa kami ni Celestine.

(END OF THE FLASHBACK)

     Nagsagawa na nga ng Wedding Ceremony at naging masaya kami ni Celestine.

WAKAS.......

ISANG PANSIN MAN LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon