Dancing with My Lover

46 11 24
                                    

Hi,

Naalala mo pa noong una tayong nagkita? Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. I am seeing you a lot, riding the train, under your wide umbrella when it rains and seeing your water reflection over the pond when you go in an afternoon walk. Hindi ko alam kung napapansin mo na ako noong mga panahon na 'yon, but I guess you found me when something came in.

Naalala mo pa ba noong hinawakan mo 'yong baywang ko nang muntik na akong mabangga ng kotse? Ang tanga ko kasi, busy ako sa pagce-cellphone habang naglalakad. Mabuti na lang at nar'yan ka, kung wala, siguro wala na rin ako.

I love your smile, your beady-eyes, your soft lips and how you held my hand when we were walking down the streets.

Hindi ko rin lubos maisip na liligawan mo ako habang tinatadhana tayong palaging magkita. Hindi ka naman mahirap kausap kasi ang daldal-daldal mo. Palagi mong kinukwento 'yong buhay-eskwela mo, maraming nagkakagusto sayo, palaging may nagpapadala sa 'yo ng love letters. Kaya nga nagtataka ako, sa dinami-rami ng mga babae . . . ako ang nagustuhan mo. Nakakatuwa lang, kasi pinaranas mo sa akin 'yong pagmamahal na gusto ko nang maranasan noon pa man.

Kapag pumupunta tayo sa tabi ng dagat, hindi mo ako binubuhat para dalhin sa umaagos na tubig. Hindi tayo nagbabasahan sa tabi ng pampang o bumubuo ng kastilyong buhangin. Mas gusto mo iyong kasama lang ako habang pinanonood natin ang papalubog na araw. Malakas ang hangin noong mga oras na 'yon habang nakasandal ako sa balikat mo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kapag kasama ka.

Ilang taon din tayong ganoon lang, masaya, kuntento at iniiwasan ang mga bagay na dahilan para pag-awayan natin.

We lived under the same roof. You buy me flowers, I kissed you in return. We sprayed the plants we're growing together every morning and feed our pets. Naalala mo noong tinuka ako ng manok sa kamay habang nagpapakain? Oo, ang lakas ng tawa mo kahit halos ako . . . paiyak na. You hugged me and kissed my forehead. Ewan ko ba, bakit noong ginawa mo 'yon, nawala 'yong galit at inis ko sa 'yo. Ano bang mahika ang mayroon ka? Bakit sa ganoong bagay, napapagaling mo agad ako?

We decorated the living room with wooden themed design. Ang sabi ko, gusto ko iyong parang coffee shop style. And days after, pinagbigyan mo ako at dinisenyuhan natin ng ganoon. Isinabit natin 'yong mga halaman na kap'wa natin pinalaki. Sa dingding, sa bawat sulok at sa labas. Kahit na ang simple lang, nakakagaan ng puso at nag-iiwan ng malapad na ngiti sa labi ko. Ikaw talaga, masyado kang mabait at maalaga at mapagmahal sa akin. Minsan tuloy napapatanong na ako sa sarili ko, deserve ba talaga kita?

You are working in a bank and I just got fired. Iyak ako nang iyak noon kasi hindi ko napigilang sagutin at kalabanin ang boss ko. Sumusobra na kasi talaga siya. Hindi ko na natiis. Hindi ko na kinaya. Masyado na niyang tinatapakan ako bilang empleyado lang niya.

Akala ko magagalit ka noong sinabi ko sa 'yo na sinesante ako. Pero ikaw, parang hindi man lang nagalit sa akin at gusto mo pang puntahan ang boss ko para markahan ng black-eye ang mukha niya. Inawat kita, sinunod mo naman ako. And you said, "it's okay." Kasi marami pa naman ibang trabaho riyan na maaari kong pasukan. You just giving me an endless hope to move forward.

Ang daming nangyari nang makalipas ang dalawa pang taon. Hindi nagbabago ang pagtingin ko sa 'yo, hindi ako nagsawa o nagbalak na maghanap ng iba. May ganoong effect pala talaga 'no? Habang mas tumatagal mas tumitibay ang pagmamahal ng isang tao. Kahit pa subukin tayo ng panahon.

You got promoted and I got my online job booming. I sell cupcakes online. You said to me that I can do whatever I want and you'll support me whatever it was. Kaya ayun, pinasok ko ang pagnenegosyo.

Tinabihan mo ako noon sa long swing mula sa front porch ng bahay natin. You kissed my lips and I kissed you back with eyes closed. Nagre-request ka na gusto mo ng waltzing. Iyong magsasayaw tayo habang tumutugtog ang nakaka-relax na musika.

We moved the furnitures in the living room. We decorated an old christmas lights around as we are dancing in the middle. You took the vinyls and played it one by one as I am watching you dancing alone. As if you're imagining dancing with me.

I hate the feeling when you're doing that. Parang nangungulila ka at hinahanap-hanap mo ako.

I know it's hard to accept things, but you have to move forward and keep going . . . even without me. Life doesn't stop until you had your last breath. Marami pang babae r'yan kahit na nangako ka sa akin ng pang-habambuhay.

You know what's hurting me? When I see your beautiful smile fades when I was gone. Hindi ko rin naman inaasahan na mangyayari sa akin ang bagay na 'yon. Kahit pa magalit, mainis at kamuhian ko ang driver na 'yon . . . wala na, nangyari na.

I got hit by a car. Umiiyak ka, humahangos at malungkot na malungkot habang nakahiga ako sa stretcher. Hinawakan mo ng mahigpit ang kamay ko, nararamdaman ko ang init na nagmumula roon pati na rin ang sakit na dala nito.

I can't feel my legs, my hands, my neck. My body went numb. I saw my own blood stained my shirt and my pants. Hindi ko alam kung nakasuot pa ba ako ng sapatos, kasi wala nang pakiramdam 'yong mga paa ko.

I died before I got to the hospital. Iyak ka nang iyak. I don't know if I was clinically dead or what, but I hear your sad voice, you're sobbing and screaming my name. I know it hurts but I felt the pain when I am hearing you that way. Hindi ako nasaktan noong nabangga ako, mas nasaktan ako noong narinig ko ang boses mong punung-puno ng kalungkutan.

I know every day you are dancing alone. I never knew I'd be having the best time of my life with you. It shines in me, your heart glimmers in the sky. Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita. You had given me everything to make me feel happy and I hope I gave it all back to you also. Ayokong maging unfair at switik, gusto ko ring maranasan mo ang saya na naramdaman ko kapag kasama kita.

Pilit kong inaalala ang huli nating sayaw. Mahigpit ang hawak mo sa kamay ko, pati na sa may parteng baywang habang nakailig ako sa dibdib mo. Kahit pa ilang oras tayo sa ganoong posisyon, okay lang sa akin . . . basta't ikaw ang kasama.

Maybe we could've been dancing lovers again if I met you in another life. If not, then I will definitely find you and continue our love.

Summer FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon