Bad Thing Happened Today

79 19 20
                                    

Passing a driver's test isn't easy as pie. Today, I got my driver's license.

Noon kinakabahan ako dahil maaaring hindi ako makapasa. Ako ang tipo ng tao na mahina ang loob at madaling mag-panic.

Gusto kong kumalma sa pagkakataong magsisimulang uminit ang ulo ko, lalo na kapag hindi ko nagugustuhan ang mga nangyari o mangyayari. Minsan naibabaling ko sa ibang bagay ang galit ko. Magkasalubong palagi ang kilay at kunot noo ang palaging nakaukit sa ibabaw na parte ng aking mukha.

"Kuya, makakapunta na tayo sa lugar na hindi pa natin napupuntahan. Tsaka mabilis mo na rin akong maihahatid sa school," masayang bigkas ni Martin, nakababata kong kapatid. Nadatnan ko siyang kumakain sa kusina habang inaasikaso ni mama ang magiging baon niya sa eskwelahan.

"Teo, nainom mo na ba ang gamot mo?" tanong ni mama habang abala sa pagsasalansan ng hinugasang pinggan.

"Mama, kailangan ko pa bang inumin ang nireseta sa aking gamot? Tsaka ayoko nang pumunta sa clinic na iyon, sinabi ko naman sa iyo na maayos naman ang kalagayan ko," sa tuwing pupunta kami ng clinic, nag-iiba ang pakiramdam ko. Wala naman akong sakit, pero bakit kailangan kong kumunsulta roon isang beses sa isang buwan?

Bumuntong-hininga si mama at ipinunas ang mga basang palad sa apron na suot niya, "Teo, hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na ito?" giit niya.

"Hindi ko kailangang magpagamot! Wala akong sakit! Wala!" asik ko at nagsimula na namang tumaas ang tono ng aking boses. Umuukit na naman ang kunot sa akin noo.

"Teo, nasa harap mo si Martin. Huminahon ka."

Huminga ako ng malalim.

Nakatingin sa akin si Martin, natatakot. Napahawak siya sa kamay ni mama.

"Aalis na ako," ayoko nang pahabain pa ito. Lalayo nalang ako. Ayokong matakot ang kapatid ko sa akin nang dahil lang sa pagtatalo namin ni mama.

Lumabas ako nang bahay at sumakay ng kotse. Pinaandar ito at nagpalamig sa loob habang nagmamaneho. Mamayang hapon pa ang pasok ko sa eskwelahan.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang munang pahupain ang init ng ulo ko.

**

John Miller hated me for such a long time. He's not a good neighbor. Ipinagkakalat niya sa buong campus na baliw ako at kumukunsulta sa isang psychiatrist.

Hindi iyon totoo.

Nanatili muna ako sa loob ng aking kotse na nasa parking lot ng campus. Nag-isip at nagpigil. Nagpapawinng galit sa kanya.

Paano ako makakapasa sa isang Driving Academy at makakapasok sa isang private school ng wala sa katinuan? Siya lang ang naniniwalang hindi maayos ang pag-iisip ko? O baka naman siya talaga ang baliw sa aming dalawa?

Noong hapong nalaman ko na ipinagkalat niyang baliw ako, nagsimula nang umiwas sa akin ang mga kaklase ko. Hindi ko mawari kung bakit nila pinaniwalaan agad ang kwento ni John kahit wala naman siyang matibay na ebidensya.

Naiinis ako. Nag-init ang ulo ko at hindi nakapagtuon ng atensyon sa klase. Nakakuyom maghapon ang mga kamay ko sa galit sa kanya. Halos bumaon na ang mga mahahabang kuko ng daliri ko sa aking palad.

Bakit kailangan niya akong siraan sa ibang tao? Ganoon na ba siya kadesperadong paalisin ako sa eskwelahan na ito?

Nang sumapit ang alas singko ng hapon. Nagsisimula nang dumilim ang kalangitan. Maraming estudyante ang nakapalibot sa kalsada malapit sa eskwelahan. Nagdulot ng traffic ang lalaking nakahandusay sa sahig. Nabangga ito at nagkalat ang dugo sa itim na aspalto.

Maraming nakatingin at pinag-uusapan ang nangyari. Maraming naaawa at natatakot.

Huminga ako nang malalim.

Nakonpirma ng eskwelahan na si John Miller ang nabangga ng kotse. Naisugod siya sa ospital. Kritikal ang lagay niya. Napuruhan ang ulo niya dahil sa pagkakabagok sa bato.

Nawala ang init ng ulo ko sa kanya. Naawa ako. Natakot at nangamba.

Nakalimutan kong sabihin.

Today, I got my driver's license and I lost it too tonight.

***

Summer FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon