Summer Solstice

72 9 20
                                    

Kahit na naging maikli lang ang summer vacation na 'yon... habang kapuwa kami nakatingin sa alapaap ay naintindihan namin ang kahulugan ng ritmo ng mundo.

Summertime. Three years ago.

Muntik na akong ma-aresto noong gabi na mapagkamalan ako ng mga pulis. It wasn't me, it was just the suspect and I had the same exact hooded jacket... and that was all. At noong gabing 'yon, doon ko natagpuan ang babaeng makakasama ko sa pinakamahabang araw ng taon.

Nakilala ko si Senna bago mag-summer break. Bagong lipat kasi siya malapit sa apartment kung saan halos dalawang taon na akong doon tumutuloy. Tahimik lang siya at palagi kong nakikitang lumalabas siya sa kanyang apartment tuwing alas otso ng umaga at uuwi tuwing alas diyes ng gabi. Madalas siyang magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas at turtle neck. Nakapagtataka lang at kung bakit hindi siya naiinitan doon.

I think she's a student and a part timer in a convenience store near our area. Nalaman ko lang na roon siya nagta-trabaho nang bumili ako isang gabi at siya ang nasa counter ng store.

I was eighteen and a part timer as well in a music store who owned by my aunt. Ilang taon na rin akong doon kumukuha ng gastusin sa araw-araw. Aunt Wilma was so strict in terms on records she was selling, because most of it were old and fragile.

Mas luma ang record, mas mahal kapag binenta. Especially the limited edition ones.

Nang sumapit ang unang linggo ng Abril, nagkaroon ng emergency sa parte ni Caloy—isa sa empleyado ng music store kasama ko—kaya'y napilitan siyang mag-resign. He had his personal reasons at tinanggap agad ni Aunt Wilma ang resignation niya bilang isang full-time employee. Habang wala siya ay nahihirapan kaming mag-hire ng panibagong empleyado... dahil madalas, nabababaan sa offer ng Aunt Wilma ko.

Noong gabing umuwi ako ng apartment, medyo late na rin noong mga oras na 'yon ay natagpuan kong umiiyak si Senna sa labas ng apartment niya. Nakaupo siya sa tabi ng pinto at nakasandal sa dingding habang nagpipigil nang pag-iyak nang dumaan ako.

I was so worried about her. Gusto ko siyang kausapin, subalit kailangan niya rin ng personal space lalo na sa kung ano mang problema ang kinahaharap niya ngayon.

Dinaanan ko lang siya at nagi-guilty na hindi man lang siya tinanong kung maayos lang siya o kung may maitutulong ba ako. I really felt bad for myself not offering something to her. Nahihiya ba ako o ayoko lang manghimasok sa personal niyang buhay?

Muli pa akong lumingon sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa apartment ko.

"Kent, sandali..." She knew my name and that was the very first time she was interacting with me. "Puwede bang humingi ng pabor?"

I turned my head to her. I saw the tears around her eyes. The natural red in her cheeks made me affected.

I lifted my brows.

"Can you lend me some money? I was fired in my part time job and I am nowhere to go. Kailangan ko lang ng pera ngayon, kailangan kong maghanap ng trabaho," she pleased.

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng nangyari? Bakit ka nila sinesante?"

She lowered her eyes. "The convenience store owner found out that I faked my documents. I wasn't old enough to work with them as a part-timer, I'm just sixteen turning seventeen, nang malaman nilang minor ako, agad nila akong tinanggal sa trabaho." Muli na naman siyang umiyak. "Ano na ang gagawin ko? I still have bills to pay and personal necessities to buy." She held my hand. "Tulungan mo ako... please."

Summer FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon