Long Handwritten Note

84 22 32
                                    

Maghapong masakit ang ulo ko dahil sa init ng panahon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maghapong masakit ang ulo ko dahil sa init ng panahon. Pasado alas singko na at ramdam pa rin ang singaw ng init ng maghapon.

Paulit-ulit kong pinatatalbog ang bola sa sahig patungong locker room para makapagpalit ng damit dahil may dalawang oras kaming training mamaya sa gym at sa quadrangle.

Habang naglalakad ako sa ground corridor kasabay ng ilang estudyanteng abala ay napansin ko ang isang babae na nakaupo sa mahabang bench 'di kalayuan sa Penola Building na seryoso at abala sa pagsusulat sa kanyang kuwaderno.

Walang estudyanteng nagagawi roon dahil hindi pa tapos ang renovations sa gusaling iyon, tanging siya lang. Nakatitig lang ako sa kanya at masidhi ko siyang pinagmamasdan.

"Hoy!" Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Jim na nakasunod lang sa likuran ko nang mapansing napatigil ako. "Sino na naman iyang tinititigan mo, Kapitan Henry, ha? Chicks na naman ba iyan?" Nakangisi niyang pang-aasar.

Ayan ang palaging tumatakbo sa isipan nila. Kapag kapitan ka ng basketball team, iniisip nilang babaero ka. Pero nagkakamali sila, hindi ako ganoon.

I am St. John's basketball team captain for two consecutive years. Malimit akong pinipili ng school head coach at ng mga coaching staff na maging kapitan ng basketball team dahil nagagampanan ko raw ng maayos ang responsibilidad ng posisyong binigay nila.

"Puta, tumigil ka nga!" Siniko ko ang tiyan niya.

"Kap naman, hindi ka na ba mabiro?" Napahawak siya sa kanyang tiyan.

"Huwag mo kasing gawing biro lahat." Seryoso kong sambit sa kanya.

Habang lumilipas ang oras ay unti-unti nang nauubos ang mga estudyante rito sa campus. Nagsisimula na ring dumilim ang paligid sa paglubog ng araw. Kaming mga varsity naman ang palaging natitira rito hanggang alas otso ng gabi.

Especially now, we have to train hard and prepare for the High School Basketball League. Magaganap ang ligang iyon sa susunod na linggo at dapat ay nakapaghanda na kami.

Maraming malalaking freshman ngayon na nag-try out sa ibang school. Mas mahihirapan kaming tapatan sila kung sakali.

Ten laps jog ang binigay sa amin ng head coach. Mula sa main gate ng campus hanggang Penola Building ng pabalik-balik.

Wala pa sa kalahati ay tumagaktak na ang pawis ko. Bumilis na agad ang tibok ng puso ko sa hingal.

Noong nakailang ikot na kami ay napansin ko ang isang notebook na nasa sahig na tila ba may nakaiwan nito. Napakibit-balikat nalang ako at hindi iyon pinansin.

Mas napagod ako nang bigyan kami ng head coach ng fifty pushups at ten minute free throws sa gym.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ako kabilis mapagod sa training na ito. Masyadong naubos ang energy ko hanggang sa matapos ang training.

Summer FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon