If I Had Just...

19 2 0
                                    

Madalas akong nakasulyap sayo, lalo na kapag tahimik ang buong klase, nakikinig nang mabuti sa leksiyon at tutok lahat sa pisara. Sa sobrang ganda mo, lahat yata ng lalaki sa campus ay napapatingin at may gusto sa 'yo. Isa kang simpleng babae... hanginin lang yata ang buhok mo ay kinamamanghaan na ng lahat. Natandaan ko pa iyong umagang tumingin ka nang pabalik sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ako kinabahan at nag-alangan, siguro ganoon 'yong epekto mo sa aming mga lalaki, iyong karisma at katangian mong hindi sadya, lalo na sa akin.

Minsan parang bawat araw ay parehas lang kapag nakikita kita. Sa classroom, sa canteen, sa library, sa hallway at sa school locker area kapag uwian. Dumilim ang langit noong hapong iyon at bumuhos ang hindi inaasahang malakas na ulan. Wala kang payong. Naghihintay ka at nagbabaka-sakaling tumila ang ulan, pero hindi nangyari 'yon at sumugod ka ng walang payong. Ang ganda-ganda nang huling ngiti mo bago mangyari ang aksidente. Kung hindi lang sana ako nag-alinlangang ipahiram ang payong ko sa 'yo, baka hindi nangyari sa 'yo ang bagay na iyon.

Sa tuwing maaalala kita, nalulungkot ako. Siguro kung nangyari iyon sa 'yo ng ibang araw, baka malakas ang loob kong naipahiram sa 'yo ang payong at nailigtas ko ang buhay mo. Kung nasaan ka man ngayon, alam mong maraming nagmamahal sa 'yo, Elize.

It wouldn't have happened if I had just lent you my umbrella.

If I had just...

Summer FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon