Summer Fireflies

473 40 71
                                    

Summer Lantern Festival, 2013

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Summer Lantern Festival, 2013.

Inanyayahan ako ni Benj na samahan siya sa isang summer festival sa kanilang lugar kung saan tatlong bayan ang layo mula sa amin.

Bata palang ako, alam kong si Benj na ang tinitibok at laman nitong puso ko. Subalit itinatago ko lang ito sa kanya dahil ayokong masira ang matagal nang pagkakaibigan namin.

Nagdaan ang anim na taon sa elementarya, ang apat na taon sa high school at hanggang ngayong kolehiyo ay isa lang ang paaralang pinapasukan namin. Hindi ko alam kung tadhana ba talagang palagi kaming magkasama at hindi mapaglayo.

Saksi rin ako sa mga naging nobya niya noong high school at nitong tumuntong kami ng kolehiyo.

Si Andrea ang pinakahuli niyang naging nobya at dalawang buwan na ang nakalilipas simula nang maghiwalay sila ni Benj.

Noong high school ako hanggang ngayong ikatlong taon sa kolehiyo, mayroong mga lalaking nagpaparamdam, nanliligaw at nagbibigay ng mga bulaklak at mga tsokolate. Ang iba sa kanila ay pinagbigyan ko at nakipagkaibigan sa mga panunuyo nila. Ngunit habang tumatagal, hindi tumatalab sa akin ang mga panliligaw nila lalo na kapag nakikita ko si Benj na nariyan at ang higpit sa akin pagdating sa kanila.

Gusto niya ang lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay ipapakilala ko sa kanya at kailangang pasado sa kwalipikasyon niya. Dahil ang gusto lang ni Benj ay mapunta ako sa lalaking aalagaan ako, mamahalin ng lubos at hinding-hindi ako sasaktan.

"Alas quatro na, bakit napaka-init pa rin?" Bakas ang inis ng mga tao na naririto ngayon dahil sa alinsangan ng panahon. Napansin ko ang ilan ay naghihintay para sa parada papunta sa malawak na bukid mamaya.

Sinabi sa akin ni Benj na magsisimula ang summer lantern festival ngayong alas sais ng gabi para mas lalong makita ang mga sisindihang lantern na magnining-ning mula sa madilim na kalangitan.

Nakaupo ako sa mahabang bangko na gawa sa kahoy habang ang ilan ay nakaupo rin na may malaking espasyo mula sa akin. Naghihitay rin sila gaya ko. Kanya-kanya ang paypay sa mga sarili para mahanginan at mapreskuhan dulot ng init.

Idinampi ko ang puting bimpo sa aking noo dahil sa nagbabadyang pagtulo ng pawis dito. Hapon na at hindi pa rin nawawala ang init ng panahon. Ganito talaga kapag tag-init sa Pilipinas, mararamdaman mo at pagpapawisan ka talaga.

"Sarah... kanina ka pa ba narito? Pasensya ka na, nasiraan kasi ang dyip na sinakyan ko patungo rito. Nag-abang pa ako ng panibagong dyip kaso palaging punuan dahil ang iba'y pupunta rin dito sa lantern festival. Kumain ka na ba?" Bakas kay Benj ang hingal dulot ng pagmamadali dahil alam niyang napaghintay niya ako rito. Makikita rin sa kanyang mukha na nahihiya siya sa akin dahil 'di hamak na mas malayo ang bahay namin mula rito kumpara sa kanya at nahuli pa rin siya ng dating.

"Ayos lang, Benj. Kararating ko lang din." Pagsisinungaling ko.

"Kumain ka na ba? Gusto mong bumili muna tayo ng tubig at baka nauuhaw ka na." Napansin ko ang pawis sa kanyang pisngi at sa patilya.

Summer FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon