Chapter Three

143 1 0
                                    

"I know. I just want to be alone.." Sabi ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama pagkauwi ko. Kennedy keep on asking why does my enemy Calvin Trias want to help me?.

"Eh nakakaduda lang kasi pinsan! Alam ng buong school ang away nyo mula nang magkakakilala kayo. Di kaya?" Nginitian pa nya ako na nagpapahiwatig na di ko magugustuhan ang sasabihin pa nya. Lumaki akong kasama sya kaya alam ko anong itinatakbo ng isip nya sa ngiti pa lang.

"Wag mong sabihin na... Tingin mo may gusto sa'kin ang halimaw na 'yun?" Natatawa kong sabi. Seryoso syang tumango.

"Seriously? Ken.. I know that you're my beloved cousin.. But I can hit you on your rare face, So get out of my room and talk to yourself." Sabi ko at itinuro ang pintuan ng kwarto ko.

"I'm just--" napatigil sya nang nakita nyang nagsalubong ang kilay ko.

He walked finally and leave me alone. A long silence and just the ticking of my wall clock is all I hear inside my room.

'God! What is happening to my cousin? Bakit ganun na lang sya mag-isip tungkol kay Calvin?'

Kinabukasan...

Naglalakad ako mag-isa sa hallway papunta sa classroom namin. Katulad ng dati, may mga babae pa rin akong nakakasalubong na nagbubulungan tungkol sa'kin o kaya ay masama kung makatingin. The fans of the Great Spencer... Tss!

"Hey!.. Sabrina!" Tawag sa'kin ni Spencer na hindi ko inabalang lingunin. Nang makalapit naman ay agad nya akong inakbayan pero wala akong pakialam at patuloy lang sa paglalakad.

"Uyy!? Bakit parang bad mood ka?" Patuloy parin sya sa pangungulit at pinisil pa ng mahina ang pisngi ko kaya lalo akong nainis.

"Ikaw! ano bang nakain mo at napakahiper mo na naman?!" Sarcastic kong tanong at inalis ko ang kamay nya sa balikat ko.

"Ano bang nangyari kahapon at nagkaganyan ka? Pinagtripan ka na naman ba ni Calvin?"

"No. May nalaman lang ako.." Pag-amin ko sa kanya. Alam ko namang hindi nya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya. "Si Paul at Althea.. Naging sila na kahit kami pa noon ni Paul.. Astig noh!?" Pilit ang ngiting tugon ko sa kanya.

Destiny of A ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon