Chapter Nine

6 0 0
                                    

"Thanks for the concern.. Kaya ko pa naman umuwi.." Sabi ko kay Sam habang nakayakap sya sa'kin. Parang ayaw na nga daw nya akong pauwiin..

"Kennedy, mangako ka!!" Binalingan nya bigla si Kennedy na nasa tabi ko. "Iingatan mo si Twinnie kung hindi... Ikaw ang malalagot sa'kin!" Sigaw nya kay Kennedy at niyugyog pa ang balikat nito.

"Oo na.. Mag-iingat ako sa kanya... Aray naman!" Reklamo ni Kennedy matapos syang batukan ni Sam.

"Ayusin mo kasi ang mga sinasabi mo.." Sabi ko pa.

"Gabi na Sam, kailangan na naming umuwi.. Salamat ulit.." Nakangiti kong sabi kay Sam at hinila ko na si Kennedy palabas ng bahay. Magtatagal pa kami kung magtatalo pa sila ni Sam.

"Buti na lang pala at nadala ko ang kotse ko Insan, wala ka palang dalang sasakyan. Teka bakit nga ba?" Takang tanong nya habang kinukuha sa bulsa ang susi ng Blue Green Ford Fiesta nya.

"Sinundo ako kanina ni Calvin.." Sabi ko at kinuha ko ang susi sa kanya.

"Ako na ang magdadrive, wala akong tiwala sa'yo.." kukunin nya sana sa'kin pero ipinakita ko ang lisensya ko. Natahimik na lang syang sumakay sa kotse. In all confrontation and debate sa school, ako lagi ang nananalo.. Sya pa kayang Pinsan ko lang?

"Nakipag-away ka na naman ba?" Nagulat ako ng tanungin nya ako bigla. Alam na kaya nya ang nangyari samin ni Althea kanina?..

"Kanino naman?" Pinilit kong gawin normal ang boses kahit kinakabahan na ako sa iniisip nya.

"Kay.. Strike?? Bakit may iba ka bang nakaaway?" Tanong nya at tinitigan pa ako.

Natawa na lang ako. Akala ko talaga alam nya. "Meron pa? Oo, kanina.." Nakangiti ko pang sabi. Si Paul..

"Si Paul?" Alinlangan nyang tanong. Tumango naman ako kahit hindi nakatingin sa kanya. Napailing na lang sya at tumawa ng mahina.

"Tumba naman yun sa isang baso lang.." Tumigil sya sa pagtawa at parang nag-isip bigla. "Hindi tumba.. Pinatumba pala.. Lakas ng tama ng isang 'yun!!"

"Ano nga pala ang nangyari sa isang 'yun?"

Destiny of A ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon