Chapter Two

97 2 0
                                    

"Nandito ka na pala." Nakita ko si Calvin na nakatayo na isang metro ang layo sakin. Pinagmasdan ko sya. Soccer player at swimmer din sya ng highschool at parehas kaming Business Ad. ang course.

"Oo, bakit?!" Natural na saming dalawa ang mag-usap ng ganito.

"Saan mo ba gusto gawin yang lecheng reporting na yan?" Sabi pa nya at unti - unting lumapit sa'kin.

"Your place. Nagpaalam nako sa Nanay ko na malalate ako ng uwi," sumandal pa ako sa pader dahil pagod na rin ako. Lumapit sya at tinitigan ako.

"see. Tara na." Yun lang ang sinabi nya at umalis na. Sinundan ko sya sa kotse nya.

Nagdadrive na sya nang muli nya akong kinausap. Katabi ko lang sya dahil ayaw ko sa likuran. 

"So break na pala kayo ni Serrano? Kelan pa?" Tanong nya na hindi man lang tumingin sakin.

"Last week. Importante pa ba yun sayo?"

"Yeah, kasi si Althea naman ang nililigawan nya ngayon." This time tumingin sya sakin pero saglit lang.

"Then what?Aasahan mo bang pipigilan ko syang ligawan ang Beloved friend mo??" Sagot ko sa kanya at tinaasan ko pa sya ng kilay. I don't want to be get involved again with that man. Not this time!

"Alam ko namang hinding hindi mo yun gagawin. B-But," itinigil nya ang sasakyan at tiningnan ako ng seryoso.

"Hindi mo ba naisip na gantihan ang manlolokong yun?" Pagpapatuloy nya.

Nginitian ko lang sya ng pilit. "Marami pa akong ibang mahalagang gagawin at ayokong isama pa SYA doon dahil uubusin ng paghihiganti ang oras ko. My time is precious unlike yours, kaya pwede magdrive ka na lang at nang maaga ako makauwi?!"

"I'm willing to help kung magbago ang isip mo Manhater." At nagdrive na ulit sya.

"At bakit mo naman ako tutulungan? Aren't you happy for Althea? Sigurado akong mamahalin syng todo ni Paul kasi simula palang sya na ang gusto nun." Pinipigilan kong umiyak dahil iniisip kong hindi na sya dapat iyakan, at isa akong Tough cookie ng school. Isang babaeng walang sinasanto. Hindi nasasaktan.

"Kaya ba mas pinili mong ikaw ang  makipagbreak sa kanya kaysa ikaw ang iwanan nya?"

Destiny of A ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon