Chapter Six

53 3 0
                                    

Here I go again. Waiting for him to arrive. Itinext ko na sya na gusto ko syang makausap tungkol sa ginawa nya at plano nya. After all, bestfriend pa rin naman nya ako at ayokong gumagawa sya ng gulo.

"I'm sorry.. I'm late. Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Pise." Mahina kong sabi at tiningnan ulit ang mga batang naglalaro sa gilid namin. Nandito kami sa lugar kung saan kami unang magkita ng bata pa kami. Sa park.

Alam nyang seryoso ako kapag tinatawag ko syang Pise.

"Mahal mo ba si Althea?"

Hindi sya nakasagot pero nakatingin sya sa'kin na parang sinasabing dapat-alam-mo-na-ang-sagot-sa-tanong-mo..

"Why are you asking that, anyway?" Sa halip na sagot nya.

"Ayaw ko lang na gumagawa ka ng gulo dahil lang sa kanya. Meron na syang Paul kaya tigilan mo na sya. And besides, kinausap ako ni Paul para lang matigil yang mga ginagawa mo.." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa waterfalls sa harap namin.

"Nasabi ko na ba kung gaano ka kahalaga sa'kin?" Out of blue nyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

"Ayokong may nanloloko sa'yo.. Ayokong pinaglalaruan lang ang kaibigan ko na hindi sumuko sa lahat ng kalokohan ko. Ayoko sa lahat.. Masasaktan ka dahil lang sa walang kwentang lalaki. You trust me from the very start and I'm thankful for that.. Kaya ko 'to ginagawa kasi ayokong masayang lang ang tiwala na binigay mo.." Patuloy pa rin nya.

"I'm asking if you love her.." Sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa waterfalls.

"Fvck!! Its not about her! Its about you. Di mo ba talaga alam? All this time?"  Inis na sigaw nya pero hindi ako tumingin sa kanya.

Mahal nya si Althea.. And he's doing this to get her away from Paul..

Pilit kong itinatak yun sa utak ko. He's concern about me but its not enough to make a trouble like this. Ayaw lang nyang aminin. Tss..

Kunwari akong tumingin sa wrist watch ko. "I need to go, may meeting pa kami sa Sinagdiwa club.." Tumayo ako sa bench at kinuha ang bag ko. Nakayuko sya at nakatuon ang dalawa nyang kamay sa hita nya.

"Bye.." Paalam ko pero hindi pa rin sya tumingin kaya naglakad na akong palayo.

This is the first time we had like this. I mean, we fight because of that trouble he made with my ex. We fought already a thousand times but we make it up to be fix. Hindi ganto, naghihiwalay ng magkagalit.

Destiny of A ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon