Chapter Five

22 1 0
                                    

"What is it this time?" Naiinis kong tanong habang nakasandal sa kotse ko. Nasa harap ko si Paul na nakapamulsa. Cool but I can see anger in his eyes.

"Please kausapin mo naman ang bestfriend mo Sab," lumapit pa sya at kinorner ako sa kotse ko.

"Is this a joke? Pwede ba lumayo ka sa'kin baka makita tayo ni.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mas lalo syang lumapit sa'kin. Magkadikit na ang dulo ng ilong namin, pero tinaasan ko lang sya ng kilay at ubod lakas na tinulak.

"Are you really a jerk!!?" Sigaw ko pero balewala lang sa kanya. Nginitian pa nya ako ng nakakaloko.

"Natatakot ka bang makita tayo ng boyfriend mo??" Sarkastikong tanong nya at muling lumapit sa'kin. Humarap ako sa gilid ng ilapit nya ang mukha nya sa'kin.

"Just try to touch her and you will talk to my fist, Man." Napasmirk lang si Paul sa narinig at saka tiningnan kung sinong nagsalita. Si Calvin. Mukhang pauwi na din sya dahil bitbit na nito ang mga ginamit nya sa practice nila ng soccer.

"So nandito na pala ang boyfriend mo Manhater.. So am I supposed to leave?" Nakatingin pa rin sya kay Calvin na parang gusto nilang magpatayan gamit lang ang mga tingin.

"Yes, I guess." Sagot ni Calvin at lumapit sa'kin at inakbayan ako.

Now, I'm confused. Ano ba talagang problema nila? Ako o si Althea?

"Wait, ano bang pinag-aawayan nyo?" Di ko mapigilang tanungin si Calvin.

"Di naman kami nag-aaway ah!?" Seryosong sabi ni Calvin na ni hindi ako inabalang tingnan dahil nakatitig parin sya kay Paul.

"Kung hindi kayo mag-aaway, can you let me go? Can you!?" Inis kong tinabig ang kamay nya na nakaakbay sa'kin. Pero hinigpitan nya lalo ang kapit sa balikat ko.

"Ihahatid pa kita.." Sagot ni Calvin at tiningnan ako ng seryoso. Inirapan ko lang sya para ipakitang inis na inis ako sa mga ginagawa nila.

"So how 'bout my car? Sinong magdadala nyan?"

"Ipapadala na lang natin sa driver ko sa bahay nyo. Kailangan lang kita makausap.." Sabi ni Calvin at tinanggal ang kamay sa balikat ko.

"Don't say no. Alam mo namang I don't take it as an answer.." Paalala pa niya at hinarap si Paul na nakapamulsa at nakatingin sa'kin.

Destiny of A ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon