Chapter Four

70 2 0
                                    

Kinabukasan...

"Class dismiss!" Sabi ni Miss Alcueza habang nagliligpit ng mga gamit nya. Prof namin sya sa Chemistry.

"Hayy.. Kapagod!!" Buntunghininga ko saka dahan-dahang tumayo.

"Sab.. May laro pala nga kami mamaya.." Nakangiting sabi ni Kennedy na nasa gilid ko. Soccer player din sya at lagi na lang nya ako kinukulit na panuorin sya kahit ayaw ko.

"Pwede pass muna ako ngayon. Inaantok ako eh!?" Sabi ko at bahagya pa akong naghikab.

"Ngayon pa na makakalaban namin ang ex mo?" Seryosong sabi nya.

"Eh ano naman!?" Walang gana kong sagot.

"Kahit sandali lang, Pinsan please!!?.." Pagmamakaawa ni Kennedy pero hindi ko sya tiningnan at tuloy tuloy lang sa paglalakad sa hallway.

Bigla nya naman akong hinarangan sa daan kaya tumigil ako.

"Ayoko!! AYAW!" Sabi ko at tiningnan ko sya ng masama.

"Manuod ka man lang kahit simula lang.."

"AYAW KO. Mahirap bang intindihin yun!?" Sarcastic kong sabi at tinapik ang balikat nya. "TABE!!" Naiinis kong sabi.
Umalis naman sya sa harapan ko kaya mabilis akong naglakad palayo pero sumunod pa rin sya sa'kin.

"Tss.. Calvin," mahinang singhal nya at tiningnan ko sya ng masama.

"What?" Inis kong tanong habang naglalakad.

"Sabi ko CALVIN! Pinipilit nya akong isama ka.."

Salubong ang kilay kong tinitigan sya habang nakatingin sya sa malayo.

"Bakit?"

"Anong bakit?" Baling nya sakin na parang nagtataka.

"Bakit nya ako pinapupunta?"

"Ewan ko.." Kibit balikat nyang sagot at nauna na syang naglakad pero humarap ulit sya sa'kin at naglakad patalikod na nakaharap sakin at nakataas ang dalawang kamay na inilagay nya sa batok.

"Bakit nga!?" Inis kong sigaw. Ramdam ko kasi na may alam sya na hindi nya sinasabi.

"Pag sinabi ko hindi na exciting.. Kaya pumunta ka na lang.." Nakangiti nyang sagot at tumalikod na sa'kin.

Spell NAKAKAINIS?
K-E-N-N-E-D-Y  T-H-O-M-A-S  V-E-R-A

"Tss.. Pakialam ko dun!?" Naiinis kong sabi saka nagpatuloy ng paglalakad. Napatigil ako nang matanaw ko si Paul na naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Alam na kaya nya?" Wala sa sariling tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ko sya na naglalakad papalapit sakin.

"Sab! Where the hell is your bestfriend!" Halos sigaw na nyang tanong habang salubong ang mga kilay nya.

"I don't know. I don't even see his face in my way here." Diretso kong sagot at nagkunwaring walang alam. "Why? Is there a problem with Pise?"

"YOUR DAMN BESTFRIEND kiss my GIRLFRIEND.. My GIRLFRIEND!!" Sigaw nya na nakaagaw ng pansin ng ibang estudyante na nasa hallway din. Gusto kong magtakip ng tenga dahil sa lakas ng sigaw nya.

"Hush! Too loud!" Mahina kong sita sa kanya. Bahagya syang kumalma at ibinulsa ang dalawang kamay sa pantalon nya.

Destiny of A ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon