Chapter Seven

9 0 0
                                    

"Oh! I'm scared.." Patuloy kong biro sa kanya. Nakatingin na sya ng masama pero balewala lang sa'kin yun dahil sanay na ako sa mga tingin nyang ganoon.

"Kumain ka na ba?" Pag-iiba nya ng usapan. Tumango lang ako at humalumbaba sa mesa. Natutuwa sa mga reaksyon nya ngayon, kung paano sya magalit, mainis, magyabang at tumawa. Parang ngayon ko lang sya nakilala ang tunay na sya.

"I haven't eaten mine. Pwede mo ba akong samahan?" Tanong nya habang nakatingin din sa'kin.

"Ang sweet naman nila.."

"Oo nga.. I've never see Calvin like that.."

Nangingiti si Calvin sa mga naririnig. Tinaasan ko lang sya ng kilay at nagcross-arm.

"Ang taray mo na naman, Babe.. Tara na ngang kumain at baka nagutom ka na ulit.." Bago pa ako nakasagot ay kinuha nya na ang bag ko at hinila ako palabas ng library. Mabuti na lang at mabait ang nakaassign na librarian kung hindi siguro kanina pa kami pinalabas.

"Want something to eat?" Tanong nya habang inaalalayan akong umupo.

"Just a cup of frap and a chicken sandwich will do.."

Tumango sya bago pumunta sa pila. Maikli pa naman yun at siguradong pauunahin sya ng ilang babae na nasa unahan nya. And the reason is..

...sikat sya at gwapo.

"Hey! Take this.." Sabi nya at umupo sa tabi ko. Humigop naman ako ng frap na inorder nya.

"What are you thinking? Or should I ask who?" Tanong nya at kumuha ng kalahati ng chicken sandwich ko. Tiningnan ko ang inorder nya. Spaghetti and orange juice.

"Para syang babae.." Komento ng isip ko. Natawa ako bigla sa naiisip ko.

"Hayy! Nakakatawa ba ang tanong ko?" Magkasalubong ang kilay nyang nakatingin parin sa'kin. I cleared my throat before answering him.

"Ano nga ulit 'yung tinatanong mo?"

Napahawak sya sa sentido nya at bahagyang hinilot iyon. Kahit naiinis na sya, natutuwa parin ako sa kanya. He's really a cute guy.

"Cal!" Napalingon ako sa tumawag kay Calvin. Biglang nawala ang ngiti ko nang makita ko kung sino yun. Althea with her boyfriend, Paul.

"Uhmm.. Althea!" Nasabi ko na lang at pinilit kong ngumiti. Naramdaman ko na inakbayan ako ni Calvin para mapakalma ako.

"Bakit ba sya laging sumusulpot?" Lihim kong tanong sa isip ko.

"Bakit ka napapunta dito?" Walang ganang tanong ni Calvin at humigop sa frap ko.

"That's mine." Inis kong saway sa kanya at hinampas ko sya sa balikat. Nakaupo na sa harap naman si Althea at Paul nang muli ko silang tingnan.

"I know. You're mine too.." Kinindatan pa nya habang may nakakalokong ngiti sa labi nya.

"I'm not reffering to you, Badboy!!" I rolled my eyes and looked at the other side of our table.

"You look perfect!" Napatingin ako kay Althea matapos nyang sabihin yun. Nakangiti sya habang nakakapit sa braso ni Paul ang kamay nya. Tiningnan ko si Paul pero mukhang wala syang pakialam sa nangyayari.

"There's no such thing as perfect..." Sagot ko at kinuha ang spaghetti sa tapat ni Calvin at sumubo ng kaunti.

"Cause no one's perfect.." Dagdag pa ni Calvin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

I mouthed him"Manggagaya ka!" Pero ngumiti lang sya.

Tiningnan ko si Paul at Althea. Nakahilig na ang ulo ni Althea kay Paul at nakatingin samin.

"Babe," tawag ni Calvin at agad ko naman syang nilingon. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Siguro naiintindihan nya kaya niyakap nya ako bigla.

"Hayy, akala ko kakain kayo.. Ano 'to PDA?" Nasabi ng kakarating lang na si..

..Spencer Dee...

Now, I can say that this is really Awkward.

Lumapit sa'kin si Spencer at hinalikan ako sa pisngi at bumulong na "The game is on Bestfriend.."

"Dude! What that was for?" Tanong ni Calvin at tinulak si Spencer pero pagkatapos nagkatawanan sila na parang ewan. Magkasalubong ang kilay naming tatlo habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Anyare??" Usisa ko sa kanilang dalawa na nagappear pa bago ako tiningnan.

"Masaya lang ako na sya ang boyfriend mo Sab, I'm happy for you," nangingiting sagot ni Spencer. Tinaasan ko lang sya ng kilay para ipakitang hindi ako nanininiwala.

Unang una, hindi sila close, paano sila magiging close, eh ayaw nga nilang madikit sa isa't isa. Pangalawa, walang tiwala si Spencer kay Calvin so paano sya magiging masaya para saming dalawa? Pangatlo, manloloko sila parehas kaya hindi talaga kapani-paniwala.



Destiny of A ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon