Kabanata XI

2 0 0
                                    

Stop

Habang naglalakad kami ay hindi sya nagsasalita. Ang tahimhik naman nya  at walang kakibo-kibo at parang walang balak gumawa ng kahit na anong ingay.

Laking gulat ko ng pagtingin ko ay sakin sya nakatingin at hindi sa daan. Napatanong tuloy ako kung kanina pa ba nya yon ginawa kaya pala sobrang tahimik nya.

" Wag mo ngang gawin yan" naiirita kong sabi sa kanya dahil nakakailang ang kanyang ginagawa.

"Ahhh" sigaw nya ng natumba sa dahil sa ugat ng puno na nakaharang sa daan.

" Wag mo kasi akong tingnan hindi naman ako yung daan" normal na boses kong sabi sa kanya.

"Paano kung ikaw nga ang daan patungo sa pangarap ko" pagkasabi nya noon sa akin ay pinaliit nya pa ang mata at parang sinusubukang maging cute.

"Hayyyts ewan ko sayo" sabi ko na napipikon na sa mga sinasabi nya.

Naglakad pa kami at parang ito yung papunta kila Jhon na bahay. Hinayaan ko na lang baka kasi mali ako sa pagkakatanda ko sa lugar na yon.

Mayamaya pa ay nakita namin si Jhon na nakatayo sa labas ng gate nila at mukang nag-uusap sila ni Daisy at muka silang nagtatalo. Tiningnan ko si Myrtle at parang normal lang ang nakikita nya dahil wala syang reaksyon sa nakita nya. Hindi nya ba pipigilan yung dalawa na mag-away lalo pa at kaibigan nya yung dalawang yun.

Papalapit ng papalapit na kami ng papalapit sa dalawa at medyo naririnig ko na ang pinag-aawayan nila pero hindi ko ito masyadong maintindihan dahil masyao pang mahina.

Bago pa man kami tuluyang makalapit sa kanila ay napansin na nila kaming dalawa ni Myrtle. At ang dalawa ay mukang nagulat sa nakita nila ngayon. Nakaawang pa ang bibig nilang dalawa.

" Kayo na?" bumgad na tanong ni Daisy sa aming dalawa ni Myrtle.

"Sana" agad na sabi ni Myrtle.

"Hindi" agad rin namang sabi ko.

" Mukang nag-aaway kayo ahh?" tanong ni Myrtle na parang nang-aasar.

"Hindi naman may pinag-uusapan lang" sagot ni Daisy.

"Sabay na tayong umuwi Myrtle" sabi ni Daisy at tumango naman si Myrtle bilang sagot.

KRINGGGG.....

Hinugot ni Myrtle ang kanyang cellphone sa kanyang bulasa at tiningna pa kung sino ang tumatawag.

"Hello" bungad na sabi ni Myrtle sa kausap nya.

"Okay, see you soon" at nilagay nya ulit ang cellphone nya sa bulsa nya.

" Salamat sa paghatid Lucas at sabihin mo rin kay tita, salamat" sabi nya sakin at bago tuluyang umalis ay may sinenyas ito kay Jhon at winave nya ang kamay nya sa akin at naglakad na sila palayo sa amin

Magpapaalam na sana ako kay Jhon pero may kinaka-usap ito sa kanyang telepono kaya sumenyas na lang ako sa kanya na aalis na ako. Ngunit hinarap nya ang palad sakin at sinasabing teka lang.

" Tara na" - Jhon

"Huh, diba dito ang bahay mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya

" May bibilhin lang ako at medyo malapit yon sa inyo" hindi na ako nag usisa pa at hinayaan ko na lang na sumabay sya sakin.

"Talaga bang wala kang nararamdaman kay Amary?" biglang tanong nya sakin kaya medyo nabigla ako.

" Amary?" tanong ko kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy nyang Amary.

" Si Myrtle" medyo nakangiti nyang sabi. Tumango ako bilang sagot na alam ko na.

" Ano yung tanong mo ulit?" pinaulit ko ang tanong dahil baka mali ako ng pagkakarinig kanina.

Hate Me NotWhere stories live. Discover now