Kabanata II

11 2 0
                                    

.An importunate girl.

Ginawa ko yung usual kong ginagawa. Kasama ko ngayon sa paglalakad ang aking kapatid na si Simon. Patuloy lang ako sa paglalakad para maihatid ko na si Simon ng mahagip ng aking mga mata ang hindi kanais nais na tanawin na makikita ko ngayong araw. Isang babaeng prenteng nakasandal sa poste na malapit sa gate na pinapasukan ng kapatid ko.

Doon ko lang napagmasdang mabuti ang babaeng kinaiinisan ko meron syang maliit na biyas na sakto sa kanyang pangangatawan. Mayroong singkit na mga mata at may maliit na ilong . Ang kanyang katawan ay hindi ganon kagandahan pero ayus na man kung titingnan mo ito ng malayuan.

"kuya dito mo na lang ako ihatid" nagulat ako ng biglang magsalita si Simon. Tiningnan ko sya at tumango na lamang bilang sagot. Hinayaan ko syang maglakad hanggang makapasok sya sa gate na kanyang pinapasukan. Ngunit hindi pa sya tuluyang nakakapasok ay tinawag na sya ni Myrtle. May sinabi ito sa kapatid ko at tatawa tawa naman tumango ang aking kapatid sa kanya at nagpatuloy ng pumasok si Simon sa gate. Si Myrtle naman ay patakbong pumunta sa kinatatayuan ko.

Nang makalapit na si Myrtle sakin ay hinagod nya ang kanyang mahabang buhok pataas. Nakatingin lang ako sa kanya at kalaunan ay tumalikod na rin.

"morning, sabay na tayo" masiglang sabi nya sa akin at ikinawit ang kanyang kamay sa aking braso na ikinagulat ko.

" Ano ba!?" pasigaw kong sita sa kanyang ginawa. At hinila ko ang braso ko sa kanya.

" Enebe" she mimic it in irritating way. I rolled my eyes to her.

"Ang taray, mag-ingat ka tipo ko ang mga ganyan" ngumiti sya sa akin pagkasabi nya non.

Sabay na kaming naglalakad hindi dahil gusto ko kundi wala naman akong choice. Bigla kong naalala na may sinabi nga pala sya kay Simon.

" ano yung sinabi mo sa kapatid ko" lumingon sya sa akin sa biglang pagtatanong ko.

" curious ka L.U.C.A.S.?"

She emphasis my name. Alam kong sinabi nya yon para isipin ko na alam nya yung pangalan ko. Nagpapapansin sa akin ang isang ito at sigurado ako roon. Sabihin na nating alam ko na ang mga galawan ng babae kapag may gusto sila sa isang lalaki. Hindi na ako baguhan dito dahil marami na ang nagpakita sakin ng motibo sa dati kong school at alam ko ang dahilan nila dahil I have a brain and a little bit looks. Well they say my gray eyes is kind a hypnotic especially when it comes to girls. My gray eyes paird by my thick eyelashes and brows that suits me well. My face features is coming from my father that has a half foreign blood. And my mother's only entry to my face is her nose and kinda not pointed as my father's nose. But it's okay my face is fine.

"Lucas" she snap infront of face. Tiningnan ko sya bago nagpatuloy sa aking paglalakad at naiwan naman syang tulala. Hindi nya siguro inaasahang gagawin ko yun sa kanya. Alam ko na ang gagawin pag may ganyang nagpakita ng motibo sa akin just ignore her and that's it titigil na sila.

"Hintayin mo ako" at narinig ko na ang sunod sunod na yapak nya papalapit sa akin. Hinayaan ko na lang kasi pag pinansin ko 'to baka magkaroon pa ito ng false hope na pwede ko syang pansinin.

Nakarating na nga kami sa classroom feeling ko tuloy ang layo ng papunta sa classroom dahil sa may makulit akong kasabay. Umupo na ako sa aking upuan para Hintayin na ang aming teacher. Habang naghihintay ako ng papasok na teacher ay inilabas ko ang aking cellphone at earphone para makinig ng music.

Hindi pa ako masyadong nakakatagal sa bangko ko ay may sumipa na dito. Agad kong tinanggal ang aking earphones baka may nagabiso sa akin na nandyan na ang aming teacher. Lumingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang sumipa. Walang teacher na pumasok pero may lint*k na babaeng nanggugulo na naman sakin. Hindi na lang ako nagsalita at lumabas muna para doon na lang maghintay ng teacher namin kesa sa loob. Meron kasing may saltik na babae na gustong magpapansin sakin.

Hate Me NotWhere stories live. Discover now