Kabanata IX

1 0 0
                                    

A Day Of Embarrassment

Pagkapasok ko pa lang sa aming classroom ay dinig ko na agad ang kinilang sigawan, katyawan at palakpak at ito ay dahil sa pagpasok ko sa classroom at hindi dahil sa isa akong heartthrob sa school na 'to.

Kundi sa isang babaeng nakaluhod ngayon sa harapin ko at halos mapunit na ang labi sa pagngiti. May dala syang isang bungkos ng bulaklak ito ay parang ibinigay na nya sa akin noon pero alam kong peke ang mga bulaklak na ito. Siguro gawa ito sa plastic at ang kulay nito ay asul na kapag tunay ay puti.

" Flowers for you" halos mapigtas ang pasyensya ko sa kahihiyan dahil sa kanyang sinabi at halos hindi ko na madama kung nakatayo pa ba ako ngayon sa sahig. At hinihiling ko na lang ngagong araw ay matunaw na parang bang yelo dahil sa tindi ng tinginan ng aming mga kaklase.

"Ano,tatayo ka na lang ba at di mo tatanggapin?" tanong nya na nagpabalik sa aking realidad.

" Tumayo ka na dyan" halos pabulong kong sabi sa kanya dahil nakakahiya na talaga ang kanyang ginagawa.

" Tanggapin mo muna 'to" sabi ni Myrtle at mukang nagpapacute pa sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin at nilagpasan na lang sya at umupo na. Kung tutuusin ay kasalanan din naman nya kung bakit sya mapapahiya ngayon.

"Ohwwwwwwww"mga ingay ng aking kaklase na mukang desmayado sa aking isinagot kay Myrtle. Nang nakaupo na ako ay ramdam kong nakatitig sila sa akin. Wala naman akong pinakitang reaksyon sa kanila at isinuot na lang aking earphones at nag cellphone.

Pumasok na ang aming teacher kaya kami ay nagsi-ayos na upang kami ay makapagklase na. Dama ko ang katahimikan ng lahat dahil siguro sa nanyari kanina. Nakaramdam naman ako ng guilty saginawa ko kahit konti pero dapat hindi na nya ginawa iyon. Hindi ba uso sa kanya ang maghinay hinay muna sa mga bagay bagay na dapat ay ginagawa sa hinaharap.

Siguro mas madali sa kanya ang magdesisyon dahil meron na silang sinabi sa buhay o mayaman na sila. Ako kasi ang magiging breadwinner sa amin kaya dapat pagbutihin ko sa pag-aaral at dapat magaling sa lahat ng bagay para mas maganda ang mahanap kong trabaho balang araw. Kung iisipin mo wala namang masama o wala sa aking mawawala kung tinanggap ko iyong ibinibigay nya sakin kanina pero kung mas iisipin mong mabuti hindi talaga maganda iyon kung tinanggap ko iyon kanina dahil uulitin nya lang iyon o magkakaron siya ng pag-asang may gusto ako sa kanya.

"Kringgggg" tumunog na ang bell ito ay hudyat na recess na. Tumayayo ako para pumunta sa canteen.

"Lucas, recess na tayo" dinig kong anyaya sa akin ni Jhon. Tumingin ako sa kanya at mukang si Daisy lang ang kasama dahil nakita sa aking peripheral vision na nakaupo pa si Myrtle at mukang nag-iisip.

"Sige" agad na sabi ko kay Jhon.

" Ikaw Myrtle, sama ka" tanong ni Jhon na ikinakunot ng noo niya at agad din namang umiling. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa hindi nya pagsama sa amin ngayon.

" Good luck, Amary" sabay kindat ni Daisy sa kaibigan at agad namang ikinangisi ni Myrtle.

" Ano kaya ang gagawin ng kaibigan nya?" agad na tanong ko sa aking sarili na isinawalang bahala ko na lang ito baka kasi wala naman itong kinalaman sa akin at masyado na akong asyumero.

Naglakad na kami papuntang canteen. Damang dama ko ang mga matang nakatingin sa akin ngayon dahil siguro ay kalat na ang ginawa sa akin ni Myrtle na tinanggihan ko naman.

Nakahanap agad naman kami nang upuan pagkabili namin ng aming kakainin para sa recess.

" Bakit mo nga pala sinabihan ng good luck si Myrtle kanina?" tanong Jhon kay Daisy. Napatingin din ako sa kanilang dalawa dahil ako man ay gustong malaman kung bakit nga ba. Ngunit ako ay hindi nagpahalatang interesado sa kanilang pinag-uusapan at sinimulan na lang ulit ang pagkain.

Hate Me NotWhere stories live. Discover now