I- FINDING HAPPINESS

10.9K 132 1
                                    

Maliit lang ang apartment na inupahan namin malapit sa Washington D.C. Mayroon itong dalawang kuwarto. May sariling kusina at maliit na mesang kainan. Sentralisado ang tubig, ilaw at gas. Mataas ang antas ng pamumuhay  at oras ang binabayaran sa iyong trabaho. Hindi uso ang otso-oras na iisa lang ang trabaho. Ilang buwan din akong nagtiyaga pero sa Federal Bureau ako nakahanap ng trabaho bilang Forensic Analyst, hindi nalalayo sa linya na aking tinapos. Mababait naman ang mga ka-trabaho ko at hindi uso ang inggitan.

Prangka silang magsalita pero walang personalan, trabaho lang. Disiplinado ang lahat sa batas-trapiko. May mga pasaway din kahit papaano.

Nagulat ako ng mamataan ko ang lalaking nasa tapat n gaming pinto. Kumakatok ito pero hindi siguro naririnig ni Nanay kaya hindi ito pinagbuksan kaagad. Nagulat ako ng lapitan ko ang lalaki.

“Justice?”

Niyakap ako ng mahigpit ni Justice. Tumulo ang luha nito. Humagulgol sa aking balikat.

“Bakit mo ako iniwanan ng ganun-ganun na lang? Hindi mo na ba talaga ako mahal?”

“Justice, hindi ako makahinga” Biglang bumukas ang pinto, si Ela.

“Ate! Huh… si Kuya Justice ba ito?” Kinuha ni Ela ang gamit ko.

At pinapasok ko na si Justice. Napalinga siya sa buong kabahayan.

Puti ang pintura ng buong bahay. Konti lang ang mga kagamitan. Nakita ni Justice ang pagtanaw sa baba ng nanay ni Lemuela. May hawak-hawak itong bata. Napaakyat kaagad si Justice sa hagdan.

“Naku, Ice. Sinusundo ka na ng daddy mo”

“Nanay, mano po. “ Niyakap nito ang matanda. Tuwang tuwa siyang pinagmasdan ang bata habang natutulog.

Umakyat din ako. Nakita ko ang reaksyon niya. Gusto niyang magtanong pero hindi lumabas ang mga salita.

“Lemuela…. Bakit hindi mo kaagad sa akin sinabi?”

“Nawalan ako ng lakas na loob na lumapit sa iyo. Alam kong nagkamali ako. Umalis ako ng hindi ko na nasabi ang kalagayan ko. Hindi ko din iyon inaasahan. Pasensiya na.”

“Lemuela, ano ka ba naman?”

“Naku, kayong dalawa. Ayusin nga ninyo ang pagpaplano ninyo at nadadamay ang bata” Iniwan kami ni Nanay.

Nanatili si Justice sa Amerika. Katulong siya ni Nanay habang nasa trabaho ako at si Ela. Magkasama kaming natutulog sa iisang kuwarto habang natutulog si Ice sa kanyang crib.

“Lemuela, na-miss kita!” Sabi ni Justice habang nakahiga kami sa kama.

“Ikaw din Justice.”

Natulog kaming payapa, yakap ang isa’t isa. Hinalikan niya ako sa noo.

Kalalabas ko lang ng banyo mula sa pagsa-shower. Nakita ko ang mag-ama na tila nagkukuwentuhan habang nakahiga sa kama si Ice.

Pinilit ako ni Justice na umuwi ng Pilipinas kasama na si Just Ice.

“Lemuela, umuwi na tayo ng Pilipinas”

Hindi ako umimik.

“Ano pa ba ang gagawin mo dito?”

“Dito na lang kami ni Ice. Masyado nang magulo sa Pilipinas.”

“Hindi ko kayo iiwan dito. Sama-sama tayong uuwi”

“Ang cute naman ng anak ko, ano?” Gumagawa din ng tunog ang bata na akala mo’y nakikipag-usap din sa ama.

THE GENERAL'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon