IV- COOL MOM

4.9K 109 1
                                    

Isinama ako ni Justice sa isang salu-salo kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang hepe mula sa iba’t ibang distrito ng Kamaynilaan. Nandoon din si Ninong ng araw na iyon.

“Ninong Logan” Nagmano ako sa matanda.

“Wow! Lemuela, angganda-ganda naman ng anak ko. Mabuti naman at sumama ka kay Justice ngayong gabi”

“Ayoko nga po sana. Wala kasing kasama ang mga bata”

“Nandoon naman yata si Thelma”

“Opo, nandoon naman po si Nanay”

“Ninong, doon muna po kami” Inihatid ako ni Justice sa aming upuan.

Natunugan ko na si Justice ang pinag-uusapan. Mukhang siya ang napipisil ng pangulo para sa posisyon. Binabalak na ipalit siya bilang pinakabatang PNP Chief.

Nasulyapan ko sa bandang kaliwa sina Guineverre at Homer. Kumaway sa akin si Guineverre. Kumaway rin ako sa babae. Lumapit siya sa akin kasama ang kanilang anak na babae.

“Kumusta? Hindi ka na ba talaga babalik sa serbisyo?”

“Naku, malabo. “

“In fairness, alagang alaga ang katawan mo at mukhang hindi ka stress dahil sa mga bata”

“Malalaki na sila kaya hindi na sila mahirap alagaan. Graduating na si Ice”

“Mmm… Sige, balik na muna kami doon”

Nilapitan din ako ni Roman at kinumusta ang mga bata.

“Kumusta si Ice? Nabalitaan k okay Justice ang nangyari”

“Hayun, nakatikim ng suntok sa ama”

“Talaga!”

“Nag-away din kami”

“Kawawa naman si Ice”

“Hindi mo alam kung paano nadurog ang puso ko ng masaktan si ice. Siguro sa kahit sino sa kanila. Masasaktan talaga ako!”

“Ganyan talaga ang nanay” Biglang lumapit sa amin si Justice. May dala itong pagkain.

Magkatabi kami ni Justice. Masyadong dikit ang aming upuan. Bumabawi dahil sa hindi pagkakaunawaan namin noong nagdaang gabi.

Pabulong-bulong pa si Justice. Pangiti-ngiti si Lemuela. Nakahawak si Justice sa beywang ng asawa at di sinasadyang napasulyap siya sa di kalayuan. Kitang kita niya kung paano tumingin si Homer sa kanyang asawa.

“Itong Homer na ito kahit kelan talaga!”

“Huwag mo siyang pansinin. Alam ko, kanina pa siyang nakatingin dito”

“Bakit ba patay na patay yan sa iyo?”

“Hindi ko alam sa kanya. Sana hindi mo na ako isinama dito”

“Halika na nga, umuwi na tayo”

Nanatili kami sa bakuran ng mansion. Tinanaw namin ang lawak nito.

“Kontento na ako sa ganitong buhay. Wala na akong mahihiling pa”- Justice.

“Paano kung ikaw nga ang ipalit bilang bagong PNP Chief?”

“Masyadong mabigat ang responsibilidad ng isang PNP Chief”

“Nandito kami ng mga bata para suportahan ka”

THE GENERAL'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon