Walang nakapansin na nakalabas ng gate si Justine. Lahat kasi sila ay sa ama nakatuon ang atensyon.
“Dad, parang wala si Justine”
“Baka isinama ng mommy mo”
“Daddy, nakapantulog pa si Justine. “
Nataranta si Justice. Lahat sila ay naghanap. Hindi ko naman dala ang aking cellphone kaya hindi rin nila ako matanong. Gabi na akong dumating. Lahat sila ay gising pa at hinihintay ako sa sala.
“Mom, kasama po ba ninyo si Justine?”
“Hindi, bakit?”
“Lemuela, huwag kang magbiro ng ganyan”
“Huh! Ako pa ngayon ang nagbibiro”
“Mom, nawawala si Justine” Sabat ni Lj.
“What?”
“Akala po namin kasama ninyo siya ng umalis kayo”
Napaupo ako sa sopa. Biglang nag-ring ang phone.
“Mommy…. Daddy…. Help me please” Boses ni Justine sa kabilang linya.
“Uy, Justice Lorenzo. Lemuela Gonzales, baka naman kanina pa ninyong hinahanap ang inyong unica hija”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Justice.
“Walanghiya ka, Ferdie. Kapag may nangyaring masama sa anak ko, humanda ka sa akin”
“Ferdie, parinig ng boses ng anak ko, please” Nagmakaawa si Lemuela.
“Mommy! Daddy! help me please!”
“O hayan, narinig mo na. Baka puwede mo na rin siyang kunin. alam naman ninyo kung saan di ba?”
Aalis na sana ako pero pinigilan ako nni Justice.
“Saan ang punta mo?”
“ Ililigtas ko si Justine”
“Dumito ka sa bahay at hintayin ninyo kami dito”
“Nooo! Hindi ko kayang maghintay dito”
“Ako nang bahala”
“Justice, iligtas mo si Justine. Iuwi mo siya ng buhay” Humagulgol ako ng iyak.
Si Justice ang nakapagligtas kay Justine ngunit tinamaan naman ito ng bala ng iharang nito ang katawan sa bata.
Doon din tinuldukan ni Justice ang paghihigante ni Ferdie. Tinamaan niya sa puso ang binata kaya dead on the spot ito.
Dinala si Justice ng mga kasamahan niya sa ospital. Pinilit ako ng mga anak kong dalawin ang kanilang ama sa ospital ngunit dinalaw din siya doon ng kanyang babae.
“Abah, at may gana ka pang magpakita dito. Ang mga kabit talaga, kahit kelan ang lalakas ng loob magpakita ng mukha”
“Lemuela”
“Ms. Lemuela”
“Ikaw ba ang nag-iwan ng red panty sa kama niya?”
“For what purpose?”
“Maybe we should talk outside” mahinahong sabi ng babae.
Sumunod ako.
“I am sorry that everything has to come to this worst”
“Buti alam mo”
“The truth is I really purposedly left that red panty in his bed. Hindi ko akalaing ang tulad pa niya ang tatanggi sa tulad ko”
BINABASA MO ANG
THE GENERAL'S WIFE
RomanceTulad din ako ng iba, isang ordinaryong maybahay. Pare-pareho lang ang ating ginagawa bilang asawa at ina sa ating mga anak. Ginagawa ko rin ang ilang mga desisyon na may kinalaman sa buong kabahayan. Inaasikaso ko ang lahat ng bagay na may kinalama...