VIII - LIVE YOUR LIFE...

4.7K 102 0
                                    

Alam kong hindi pa nakakamove- on si Justice sa mga pangyayari. Malungkot ang kanyang mukha ng umagang iyon. Hindi ito bumati sa mga bata. Pero sabay-sabay kaming kumain.

“Mommy, what’s wrong with daddy?”- Justine.

“He’s okay, baby. Don’t worry about him”- Lemuela

“Are you sure?”

“Yeah, mommy knows everything about daddy”

Tahimik itong sumakay sa kotse. Sabay naming hinatid ang mga bata.

“Dad, bakit?”

“Don’t mind me, Lemuela”

“Are you sure you still want to go to work?”

“Yap, madami pa akong tatapusing trabaho”

“Uuwi ka ba?”

“Hindi mo ba ako susunduin?”

“Hihintayin na lang kita”

Hinalikan ako ni Justice ng matagal. Madiin ang dampi niya sa aking labi at bigla akong nalungkot. Hindi ko alam kumbakit.

“Ipagluto mo ako ng pork humba”

“Sure, sabi mo eh!”

Excited akong maghanda ng request na ulam ni Justice. First time yun in 16 years na magpaluto ito ng paborito niya.

Ilang beses niya akong tinawagan. Matagal kaming nag-usap sa telepono na akala mo ay hindi kami nagkita kanina. Bandang alas dose, tumawag uli siya.

“Sweetheart, kumusta?”

“Okay lang, Sweetheart “

“Busy ka ba?”

“Hindi naman. Nandito  ako sa kusina. Pinalalambot ko na yung pork.”

“Wow, excited na akong umuwi”

“Walang sisihan ha! Alam mo namang matagal ko nang hindi ito nailuto kaya baka hindi pumasa sa panlasa mo”

“Uy, kelan ba ako nagreklamo sa luto mo?”

“Ah ganun, so ibig sabihin…”

“Hindi naman. Ano ka ba? Joke lang. Hindi ka na nasanay sa akin. Hanggang ngayon, pikon ka pa rin sa akin”

“Hindi ka ba busy?”

“Heto, busy sa telepono at kausap ang maganda kong asawa”

“Justice, kinikilabutan ako sa ginagawa mo?” Oo, kinabahan ako sa ginagawa namin. Hindi ko alam.

“Lemuela Gonzalez, mahal mo ba ako?”

“Justice Lorenzo, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Satisfied!”

“Yan ang gusto ko sa sagot mo e. Very satisfied! I love you. See you later”

Pagbaba ng telepono, natapig ko ang isang mangkok na pinaglagyan ko ng baboy kanina. Lalo akong kinilabutan.

“Naku, Ma’am. may sugat po ang binti ninyo”

“Naku, bubog lang po yan mula sa mangkok. Huwag po kayong mag-alala”

“Baka pagalitan kami ni Sir”

“Hindi na po ba kayo nasanay kay Justice”

“Ma’am naman, alam naman ninyong ayaw ni Sir na nasasaktan kayo lalo na’t nandito kayo sa bahay”

THE GENERAL'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon