IX- EPILOGUE

6.3K 142 7
                                    

Pinatawad ko si Justice. Hindi  para sa mga anak namin kundi dahil mahal ko pa rin siya. Hinding hindi ko siya ipapaubaya sa iba.

Pagka-graduate ni Ice, nagpaalam siya na susunod sa yapak naming dalawa ni Justice. Pinayagan na rin siya ni Justice dahil wala kaming magagawa kong iyon talaga ang gusto niya. Tulad ko, kahit pigilan ako ng 10 tangkeng pandigma, hinding hindi ako papipigil.

Naging Academic Instructor ako sa Police Academy. Forensic Science ang subject na tinuruan ko. May mga pagkakataong nakakatanggap ako ng imbitasyoon mula sa Amerika. Pinapayagan naman ako ni Justice, basta't kasama siya.

Nanatili bilang PNP Chief si Justice sa loob ng tatlong taon.

Si Homer naman ay nakulong kahit inurong namin ang demanda sa kanya. Naghiwalay sila ni Guineverre. Sa isang pagsusuring ginawa, napatunayang nakakaranas ng mild depression si Homer dahil sa mga hindi niya makayanang problema. Hindi ko alam na matindi ang kanyang pinagdadaanan dahil hindi ko siya nabigyan ng pagkakataong mahalin. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Kinausap ko siya para tuldukan ang anumang bumabagabag sa kanya. Noon ko lang nalamang hindi na niya ako sinamahan sa Forensic Department dahil na rin kay Justice. Hindi daw niya matanggap na matapos din niyang maghintay si Justice pa rin ang pinili ko. Sa totoo lang, hindi ko alam na mahal niya ako. Partner kami sa lahat ng bagay kahit sa academy. Buddy kami pero hanggang doon lang.

Naging maingat na rin ako... Matapos kaming magkaayos ni Justice at nang lubusan na itong gumaling, nakahirit pa kami ng isang biyaya. Babae ulit... si Jazzy Lane.

Masayang buhay...

Payapa...

Kontento...

Kahit sinong maybahay, nakararanas ng kahinaan.

Nakakahugot pa rin ng kalakasan.

Naaapektuhan kapag may problema.

Umiiyak...

Nagagalit...

Nagiging emosyonal...

Pero pagsuko ang hinding hindi niya gagawin...

Lalaban at lalaban siya ng patas...

Ako...

Isang ina...

Asawa ng isang heneral...


SUNDAN ANG KUWENTONG "ANOTHER POLICE STORY" starring Jungkook as Leeam Juz Lorenzo, ang aming private investigator turned into Junior Instructor....

THE GENERAL'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon